CAMILLE POV Hinatid ako ni John pauwi sa bahay. Hindi siya pumayag na hindi ako ihatid. Pumayag na rin ako para walang gulo. Kahit anong sabihin ko ay si John pa rin ang masusunod. Pagkarating namin ay saktong kakauwi lang din ni Kate. Nakita niya ang pagbaba ko sa kotse ni John. Ilalayo ko na sana siya ng bumaba si John. Ngumiti siya samin. Nagtataka naman ang itsura ng kapatid ko. Tumingin sakin si Kate. Sinenyasan ko siya na ipapaliwanag ko mamaya. Humarap kami kay John. "Hi, I'm John Buenavidez. Boyfriend ni Camille." Pinaningkitan ako ng mata ni Kate. Inilahad ni John ang kamay. Lumapit sa kaniya si Kate at ngumiti. "Hi po, Ako si Kate. Kapatid ko si Ate Camille. Nice to meet you po." kinuha ni Kate ang kamay ni John at naki pag-shake hands. Masuyong ngumiti sa kaniya si J