"Enzo, good evening hijo," bungad sa kanya ni Janet ang ikalawang asawa ng Papa niya. "Good evening ho Tita," magalang na bati niya. "Enzo, I'm sorry sa nangyari sa Mama mo, nakakalungot ang biglang pagkawala niya," malungkot na sabi nito at hinawakan siya sa balikat. Tumango naman siya. Naging mabuti naman sa kanya ang madrasta. Tinuring siyang tunay na anak nito nang magsama ito at ang Papa niya. Wala pa itong mga anak noon, kahit magpa hanggang ngayon na may dalawang anak na ito sa Papa niya ay hindi pa rin nagbabago ang pagtrato nito sa kanya. Kaya naman ginagalang din niya ito at pinakikisamahan nang maayos. "Salamat naman at pinaunlakan mo ang dinner na ito," patuloy nito. "Hindi naman ho ako makakatanggi kay Papa," sagot niya. At lumakad na sila papasok sa loob ng bahay. Hindi