"Don't worry, bukas aalis na ako," makahulugang sabi sa kanya ni Dale habang paakyat sila ng hagdan. "Make sure lang na makakatulog ako ngayon nang maayos. Baka naman makarinig ako ng mga kalabugan at ungol, ah," patuloy nito sa pagbibiro. Sinulyapan niya ang kapatid at tinapunan ng makahulugang tingin. Nagtaas naman ito ng kamay saka tinikom ang bibig. Iniling na lang niya ang ulo. Siya ang tipo ng lalake na kahit pabiro lang, ayaw niyang pinag-uusapan ang mga personal niyang gawain. "Soundproof naman yata dito, 'no?" Pangungulit pa rin ng kapatid nang maihatid na ito sa guest room. Dalawang silid ang layo mula sa master bedroom. "Matulog ka na. Pagod lang iyan," sagot niya sa kapatid na may kakaibang ngiti pa rin sa mga labi. "I am proud of you, Enzo. Nasuway mo na si Papa. Naka-

