“Kumusta si Bella?” hinihingal na tanong ni Dale sa kanya nang lapitan siya ng kapatid sa labas ng hospital room. Halatang tumakbo pa ito para agad makarating. Sinugod niya sa ospital ang asawa dahil sa dami ng tinamong sugat sa katawan, isama pa ang malaking galos sa pisngi ng asawa na kagagawan ni Sophie. Naiinis siya sa sarili—hindi man niya nagawang protektahan ang asawa. Isa sa pinangako niya kay Bella ay ang protektahan ito, at hindi niya nagawa. Iyon ang kinagagalit niya at nais niyang magwala. Wala man lang siyang nagawa habang sinasaktan ni Sophie ang asawa niya. Walang karapatan si Sophie na saktan si Bella. Asawa niya ito. Pinatawag siya ng ama para lang sabihin ang mga walang kwentang bagay tungkol kay Bella. Kung alam lang niyang nasa building si Sophie ng mga oras na i

