Alas-otso na nang marating nila ang bahay ng kanyang Papa. Masyado kasing ninenerbyos si Bella, at gusto niyang maging perfect ang lahat sa pagharap nito sa pamilya niya. Natagalan din sila sa pagpili ng damit na isusuot nito. Hindi na lang siya kumontra pa. Kahit ano naman ang isuot ng asawa ay nababagay rito, dahil maganda itong magdala ng damit. “Enzo, are you sure okay na ang ayos ko?” tanong sa kanya ni Bella nang maihinto ang kotse sa tapat ng pintuan. “Yes, sweetheart. Napakaganda mo,” puri niya sa asawa. Maasul-asul na lace dress ang suot ng asawa, na lumagpas sa tuhod nito. Tinernuhan nito ng puting sandals na may heels. Suot rin ng asawa ang mga regalo niyang alahas. Lalo na ang dalawang engagement ring na nasa magkabilang daliri nito, at ang wedding ring. Bumagay sa dre

