"Dale, salamat ah, sa paghatid kay Enzo," pasalamat niya kay Dale nang ihatid niya sa ibaba ang binata matapos nilang pagtulungang i-akyat si Enzo sa silid nila. "Wala iyon," sagot nito at sinulyapan siya. "Kumusta na pala pakiramdam mo?" tanong ni Dale sa kanya. "Okay naman na," tanging sagot niya. "Buti naman. Hayaan mo na lang ganoon si Kuya. Magpahinga ka na, Bella," sabi nito sa kanya. Tumango naman siya. "Ah, Dale. Saan mo pala nakita si Enzo?" "Sa opisina niya. Nadatnan kong naglalasing mag-isa," "Bakit daw? May nangyari ba sa kompanya?" kunot-noong tanong niya. "Si Kuya Enzo na lang tanungin mo, Bella," sagot naman nito sa kanya. "Ah. Sige." "Magpahinga ka na, Bella, gabi na," sabi pa nito. "Sige, salamat ulit, Dale. Mag-ingat ka sa pag-uwi."

