Pagpasok pa lang nila ni Bella sa loob, masamang tingin ng kanyang papa ang sumalubong sa kanila. Nakatayo ang ama sa sala. Naroon din ang mag-inang kasambahay nila. Mukhang nagtatanong ang ama sa mga ito. Buti na lang, naipakilala na niyang asawa si Bella sa mga ito, kaya alam na ng mga ito ang isasagot sa ama. “Good evening po, Papa,” bati niya. “Good evening po,” bati rin ni Bella sa papa niya. Umismid ang ama at bumuntong-hininga. Inutusan pa nito ang dalawang kasambahay na iwan na sila. Agad namang umalis ang mga ito. Silang tatlo na lang ang naiwan sa sala. Masamang tingin pa rin ang pinupukol ng ama sa kanila ni Bella. Napansin din niya ang pagdikit ng asawa sa kanya. Alam niyang takot si Bella sa ama. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Bella para iparamdam na hin

