After 1 year “Happy 1st birthday, Kenzo,” malambing na bati niya sa anak nang paggising niya. Agad siyang lumapit sa crib ni Kenzo sa loob ng master bedroom. Tulog pa si Kenzo kaya maingat niya itong hinalikan sa noo para hindi magising. “I love you, Kenzo,” bulong pa niya sa anak. Ito ang pinakamahalagang araw sa buhay niya at buhay ni Kenzo. Ito ang araw na pinanganak niya si Kenzo. Ang araw na halos isumpa niya si Enzo sa sobrang sakit na dinanas niya habang nagla-labor noon. Pero napawi naman ang lahat ng paghihirap at sakit niya nang masilayan ang napakagwapong si Kenzo. “Good morning.” Napapitlag pa siya sa biglang paghalik sa kanya ni Enzo sa pisngi at pagyakap nito mula sa likod niya. “Ssshh, baka magising si birthday boy,” bulong niya sa asawa. “Happy birthday,

