Pagdating sa New York tumuloy siya agad sa apartment ng kapatid sa ama na si Dale. Sadya itong pinasundo ng ama, dahil, iniiwasan nito ang Papa nila tuwing tumatawag. Kailangan na nitong umuwi ng San Ignacio, para may makatulong naman sila sa negosyo ng pamilya, hindi na niya kinakaya lahat. Matapos ang successful na meeting niya sa Europe nagpahinga lang siya ng isang araw at bumiyahe na agad pa New York. Nais na nga niyang umuwi, dahil namimiss na niya ang asawa. Nais na niya itong makasama, mahalikan muli at higit sa lahat matuloy na ang honeymoon nila. Hindi pa siya umabot ng ganito katagal na walang nakakasiping babae para mailabas ang init sa katawan. Sa Europe maraming lumapit na magaganda sa kanya. May mga inaalok pa sa kanya ang ilang investor na magagandang babae tulad ng dati.