Chapter 3

1764 Words
WALA NA DOON SI Finn, ang nadatna ni Ataska ay ang babaeng inaayos ang suot nitong itim na spaghetti strap at mini skirt na kulang na lang lumabas ang kaluluwa. Lumingon sa kaniya babae at lumakad patungo sa kinaroroonan niya. "Anong tiningin-tingin mo d'yan, huh?" mataray at nakataas ang kilay na tanong nito. "A-ah, I'm looking for- n-nothing!" God, she hates being caught hindi niya mapigilan ang mag-stutter. Tinitigan siya ng babae mula ulo hanggang paa at umangat ang sulok ng labi para sa nang-uuyam na ngisi. "Naninilip ka 'no?" "H-ha?" Namula ang mga pisnging sambit ni Ataska. "H-hindi, ah! I mean- w-what are you talking about n-napadaan lang ako..." Humalakhak ang babae pagkatapos ay pinagkrus ang mga bisig sa dibdib. "Sinong niloko mo, huh? Look over there..." sinundan niya ang inginuso nito at nanlaki ang kaniya mga mata, nang makitang sa tapat ng pinagkukublihan niyang pader kanina ay may maliit na salaming nakadikit sa locker. So, It means... nakikita siya ng dalawa? Oh, Shaks! Pero bakit 'di man lang sila tumigil? Tila nabasa naman ng babaeng animo stripper sa night club ang nasa isipan niya. Inilapit nito ang labi sa kaniyang tainga at bumulong. "We let you watch. You should've come out and join us... I don't mind having a threesome." sabi pa nito. Ngumisi saka pinunasan ng hintuturo ang gilid ng labi. "Uhm... ang sarap ng breakfast ko... So? Paano I gotta go..." Nasundan ng nangingilabot na tingin ni Ataska, ang babaeng umiindayog ang balakang na naglakad palayo. Ni sa bangungot hindi pumasok sa isipan niyang makipag threesome. Naiiling na tinungo niya ang pwesto kung saan gumawa ng kababalahan ang dalawa. Saan kaya dumaan ang lalaking 'yon? Inikot niya ang paningin sa maliit na corner, at ganoon na lang pagsimangot ni Ataska ng makitang nakabukas ang maliit na window sill sa pader. Mukhang ginamit ng lalaki ang isang armchair na nakapwesto sa tapat ng bintana paakyat doon. So, sinadya talagang ng lalaking 'yon panoorin siya ng kahalayan? At pagmukaing tanga para siguro makaganti sa narinig nitong mga sinabi niya kahapon. That brute! Inis na naglakad si Ataska patungo sa hallway. Nang matigilan at maitakip ang ilong ang kaniyang kamay. What's that smell? It's stench foul smell na hindi niya magawang inograhin. Ito pa ang problema niya. Masyadong naging sensitive ang ilong niya mula noong tumira siya sa ampunan, madalas may dala siyang nose inhaler sakali man may maamoy siyang hindi kanais-nais. Kinapa niya sa bulsa ng suot na button up denim skirt ang inhaler at sa kamalasan naiwanan pa niya sa bag. Dedeadmahin na lang sana niya ang kakaibang amoy nang madaanan ng paningin niya ang tila nakadikit na something sa locker. Kunot ang noong inilapit ang mukha doon. It looks like sticky, slimy, mucousy white liquid. Curiosity kills the cat. Sa katangahan dinutdot niya gamit ang hintuturong daliri ang parang sipon na nakadikit sa locker at curious na sinuri. "Ha? Ano 'to sipon-" Nanlaki ang mata niya at nanghilakbot sa pandidiri ng marealized niya kung ano iyon! Oh, noooooo! Pagkuwa'y kumaripas ng takbo si Ataska. PAGKAGALING SA BANYO. nanlalambot na tinahak ni Ataska papunta sa klase niya. Naka-ilang kuskos, hugas at halos maubos ang hand sanitizer sa daliri. Pero pakiramdam niya naroon pa rin ang malagkit na bagay na iyon. Kung di ba naman kasi siya tanga! Hawakan daw ba? Kaya madalas tawanan siya ni Elena sa sobrang pagka-curious at the same katangahan niya sa mga bagay-bagay sa mundo, napapahamak pa tuloy siya. Dinaig pa nga siya ni Margaux, kahit konserbatibo ang babae mas may alam pa ito sa kaniya. Eh, siya? ni porn hindi pa nakakapanood man lang! Hindi? Eh, kakapanood mo lang live pa nga! Mariing pumikit-pikit si Ataska upang alisin sa isipan ang nakakadiring eksena kanina. Enough! kalma, Ataska, kalma! Nang makarating sa tapat ng classroom. Inayos ni Ataska ang sarili saka huminga ng malalim bago humakbang patungo sa nakabuksa na pintuan. Inaasahan na niya late siya. Pero ang 'di niya ini-expect na naroon na si Finn at malawak na ngumisi nang makita siya sa may pintuan. Inirapan niya ito at kahit kumukulo ang dugo sa inis, pilit niyang inignora ang lalaki. Bwiset na 'to! Talagang may sapi ng sampung masamang elemento! "Yes?" Lumipad ang tingin ni Ataska sa propesor na nagsalita. For the first time in her entire existence in this university, ngayon lang siya tiningnan ng lalaki at napansin! Madalas kapag nakakasalubong niya ito sa hallway, sa pathway o kahit saan, palaging diretso ang tingin parang walang kilala, walang nakikita. Aloof sa mga tao. Madalas rin pangunahan siya ng hiya na pabitiin ito tulad ng ibang mga estudyante na ang iba pa nga ay lantarang nagpapa-cute. "Your late, Ms. Milan," naninitang untag nito. Habang seryoso at mataman siyang pinagmamasdan. Oh... he knew my name? Kilala niya ako? Paano? Parang tangang usal ng isipin niya. Di niya tuloy napansing nagtatawan ang mga kaklase sa kaniya. Hindi aware si Ataska na nakatanga at naka-awang ang mga labing nakatitig lang siya sa professor. Daig pa niya ang na starstruck at nakakita ng artista. Natauhan si Ataska sa pagtawag ng isang kaklaseng bakla na nakaupo sa unahan malapit sa kinatatayuan niya. "Ataska?" "H-ha?" wala sa sariling baling niya dito. "Matunaw si Sir, laway mo tumutulo na!" Nagtawanan ang mga kaklase niya sa sinabi ng bakla. Pinamulahan siya ng mukha at mariing makagat ang ibabang labi. Shaks! Obvious na obvious ba siya? "Quite," kalmanteng saway ni Fletcher sa mga ito, bumalik ang atensyon sa kaniya saka sumenyas. "Go to your seat, after class I'll talk to you." Nakayuko at nagmamadaling tinungo naman ni Ataska ang silya niya. Tinapunan ng masamang tingin si Finn na nang dumaan siya sa harapan nito. Ang loko malapad pang ngumisi habang pinapakita sa kaniya na inaayos ang suot nitong pantalon sa bandang crotch area at tinaas-taas ang kilay. Tuwang-tuwa naman sa kagaguhan nito ang mga kasamahang mukhang kinasabwat upang ituro siya patungo sa locker kanina. Mga salot talaga sa university! "Uy, bakit ka late? Anong nangyari sa'yo?" bulong ni Margaux nang makaupo siya. "Oo nga, babagyo at magugunaw na lang ang mundo 'di ka pa na-lalate, ah? Ngayon lang nangyari 'to," Si Elena nagtatanong ang anyo. Nakasimangot na padabog siyang umupo. "Later, I'll tell you girls, kikilabutan kayo." anya't sinamaan ulit ng tingin ang grupo nina Finn. Nagtatakang nagkatinginan naman si Elena at Margaux. "OMG!!!" Mahinang niyugyog ni Elena ang braso niyang hawak nito. Naglalakad sila papunta sa Dean's office. Nais kasi siyang makausap ni Fletcher. "My gosh! Kung ako sa 'yo lumabas ako and join the party!" Ki-nut na lang ni Ataska ang kwento at ini-skip sa part na, nahawakan niya ang slimy thingy ni Finn. Dahil panigurado pagtatawanan at bubuskahin siya ni Elena. Nandidiring sumulyap dito si Margaux saka bumaling sa kaniya. "I have a feeling na sinadya iyon ni, Finn. Di ba ang taas ng ego 'non? Siguradong 'di niya nagustuhan yung mga sinabi mo kahapon." Bumuntong hininga siya. "Yeah, me too... Imagined mukha akong tanga doon yun pala nakikita nila ako, kakaiba talaga ugali ng lalaking-" "Ssshh!" saway ni Margaux na inalapat ang hintuturong daliri sa bibig niya. "I told you be careful, mamaya marinig ka na naman nun..." tsaka luminga-linga sa paligid. "Ang OA, ah?" Sabat ng tatawa-tawang si Elena. Inirapan at tinaasan lang ito ni Margaux ng kilay. "Ano kaya kung sabihin ko na lang kay Sir? Total kakausapin naman niya ako," . "Then what? Finn, will eventually know about it kasi pagsasabihan siya ni Sir Fletcher." "Right then... he'll make your life a living hell habang nandito ka pa university! Remember last sem? May pinag-initan ang grupo nila? Kung ano-ano daw ginawa dun sa estudyante na 'yun. Ang ending nag transfer siya sa ibang school," segunda ni Elena. Bakas ang pag-alala at kaba na pinaglipat niya ang tingin sa dalawang babae. "T-then... what should I do? Kung hindi naman ako pwede magsumbong?" Hindi naman siya takot kay Finn. Takot siya sa mga pwede nitong gawin. "Hmmm?" Margaux taps her fingertip on her chin. Akala mo problema ng pilipinas ang dapat solusyunan sa itsura nito. "What if-" "What if?" nagtatanong ang itsura na sabat ni Elena. Bago pa man makasagot ang kaibigan, narating na nila ang dean's office. huminto sa harap ng nakasaradong pintuan ang tatlo tsaka nagtinginan. "Later, guys." ani Ataska. Wala na din kasing oras magsasara na ang campus. Nagtanguhan ang dalawa. "We'll wait for you at the canteen. Doon natin pag-usapan ang suggestion ko." sagot ni Margaux at nagpatiuna ng maglakad. "Goodluck!" Ngisi ng sumunod na si Elena. Nasundan niya ng tingin ang dalawa bago muling tumitig sa nakapinid na pintuan. Kanina pa niya iniisip bakit kaya siya kakausap ni Fletcher. Impossibleng dahil sa na-late siya kanina... sa isang taon niya sa university. Ngayon lang siya nahuli sa klase at wala rin siya ni isang bad record kung minsan pa nga napapasama siya sa dean's lister. Paano mo malalaman kung tatanga ka d'yan? Ataska took a deep long breath before knocking on the door. "Come in..." narinig niyang usal ng lalaki sa loob. Pinihit niya ang doorknob at maingat na pumasok sa silid. "Sit down," ani Fletcher na nag-abalang mag-angat ng tingin mula sa binabasang papel sa itim na desk nito. Sumunod naman si Ataska at naupo sa silyang nakapwesto sa tapat ng lalaki. Nakayuko at 'di niya mapigilang kutkutin ang mga kamay nakapatong sa kandungan. Nanunuot sa ilong niya ang familiar na amoy ng pabango nito na humalo sa natural malescent ng lalaki. Parang bang sumikip at uminit ang paligid kahit malakas ang buga ang ng aircon. Na-te-tensed siya, pakiramdam ni Ataska naririnig niya ang malakas na kabog ng dibdib. First time niya kasing mapatawag sa dean's office at hindi lang 'yon first time din niyang makakausap si Fletcher ng dalawa lang sila. "Ms. Milan." Nag-angat ng tingin si Ataska at nasalubong ang mga mata nitong titig na titig sa kaniya at tulad ng dati tagos-tagusan sa buto ang mga tingin nito. Paano siya makakapagsalita ng lagay na 'to? Sa mga titig pa lang kasi ni Fletcher parang hinahalukay na ang sikmura niya. Hindi sinasadyang nakagat ni Ataska ang ibabang labi. At ewan niya kung guni-guni o nanaginip ba siya ng gising. Napansin niyang dumapo sa kagat-kagat niyang labi ang mga mata ni Fletcher at naggalawan ang mga muscle sa panga nito habang matiim na nakatitig sa kaniya. Napalunok siya ng sunod-sunod. She really must be dreaming!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD