"O yajsa ilaba i sar ne newana yaj g'nobu i oatta ne yoti g'nobu oya?!"
~Kung gano'n iba ang oras at panahon ng mundo ng mga tao rito sa mundo natin?!~ ang napagtantong wika ni Lorben.
"Ne ha irugi, ore,"
~Gano'n na nga siguro, pinuno,~ sang-ayon ni Sawhe.
"O yajsa kanag'nulu dura, Sawhe! Atnapa yaj nay i g'natawi Lavie!"
~Kung gano'n tulungan mo ako, Sawhe! Pumunta tayo kay Diwatang Lavie!"~
"Ay'n i nap a neaw yaj, ore?! I kom'm te daggipa i napa yaj."
~Anong ating gagawin doon, pinuno?! Ang alam ko ay mapanganib na ang pumunta roon."
"Amadma ag kaggab akne, Sawhe. Ata atnapa nat yaj!"
~Mamaya ko na ipapaliwanag, Sawhe. Basta pumunta na tayo roon!~
Walang sinayang na oras o sandali ang dalawa. Lakad-takbo sila at kapag may nakikita silang kalaban ay nagtatago sila saglit.
"Yap ag yotsa, Sawhe?! Yap ag g'nawal-g'nawal nat itiga ardia?!
~Bakit ganito na, Sawhe? Bakit pagala-gala na ngayon ang mga ardia (guardians)?" Ang napansin na naman ni Lorben. Dahil imbes na mga mandirigma ang kanilang mga kalaban na kinakatakutan ay mga ardia na! Na dapat ay tagapagtanggol ng mga Albyans!
"G'naaddilak o, ore. Meg alan'n n i g'namasa malukukg'na itiga sayi e. Tilini a ag allan'n i ardi e. Ag dimaran a ag dagal."
~Kinalulungkot ko, pinuno. Pero kinuha na lahat ng itim na prinsesa ang mga hiyas namin. s*******n niyang inangkin ang mga ardia namin. At ginawa niyang mga alagad."~ Pinakita ni Sawhe ang dibdib at tanging bakat na nga ng hiyas ng ardia nito ang makikita sa balat nito.
Nakuyom ni Lorben ang kanyang kamao. Nagngingitngit siya sa galit na pinasadahan ng tingin ang mga ardia na ngayon ay mga masasama na.
"Lamin anus!!"
~Hayup siya!!~ Nagngangalit ang kalooban niya na tinago ulit ang sarili sa pinagtataguan nila.
Napayuko naman ng ulo si Sawhe.
"Lupasa o nagala ag kailbusaka yaj g'nobu i oatta! Onoa koriba no i Saprea Akial! Us a neg'nea o asa-ga oya onpa ilbusia i sonrua ag g'nubo oya!"
~Kailangan ko na talagang makabalik sa mundo ng mga tao . Upang mahanap na si Prinsesa Akial. Siya na lamang ang pag-asa natin para maibalik sa kaayusan ang ating mundo.~
Hindi umimik si Sawhe. Pero makikita sa mukha nito ang pagliwanag. Ilang buwan na silang nagdurusa sa pamumuno ng itim na prinsesa na si Sonji at di 'nila kailanman naisip na may pag-asa pang makalaya sila.
"Nat'n!"
~Tara na!~ Hila ni Lorben sa kamay ni Sawhe nang wala na ang mga ali-aligid na masasama ng mga ardia.
Ngunit anong panlulumo nilang dalawa nang makita nilang napapalibutan ng mga ardia ang kinaroroonan ng diwatang kanilang sadya.
"Kopasa nette i malukukg'na i yala i laha ag atawi"
~Nasakop na rin ng itim na prinsesa ang tahanan ng mahal na diwata,~ wika ni Sawhe. Nakatago ulit sila.
Napatiim bagang si Lorben. Wala na siyang pagpipilian ngayon kundi ang labanan ang mga ardia. Nag-ilaw ang hiyas sa dibdib niya.
"Naa! Binag'napa! Aka alaa g'nea te atya ardia, ore!"
~Huwag! Mapanganib! Baka makuha lang din sa 'yo ang iyong ardia, pinuno~ Pigil ni Sawhe sa kanya.
"Naw i nat'naylip'ga, Sawhe! O kanna ag nabalika te ka o'asaka i atawi! Kana'a ag tawadaka i g'nolu anayna peg'gnapia i korib'gana o ne Sapre yaj g'nobu i oatta! Yota neg'nea o naara"
~Wala na tayong pagpipilian, Sawhe! Kung hindi ako lalaban ay hindi ko makakausap ang diwata! Hindi ako makakahingi ng tulong sa kanya tungkol sa paghahanap ko kay Prinsesa sa mundo ng mga tao! Ito na lang ang paraan!"
"Meg ore--"
~Pero pinuno--~
Hindi na naituloy ang sasabihin ni Sawhe dahil lumabas na siya sa kanilang pinagtataguan. Kasabay nang pagtawag niya sa kanyang Ardia. "Rawmu a! Ardia Naber!" ~Lumabas ka! Ardia Naber!~
Umaangil ang Ardia Naber na lumabas nga sa likod niya. Galit na galit ang hitsura ng malaking oso. Nagngangalit ang mga pangil nito.
Napapalunok na lamang si Sawhe na lumayo konti. Alam nitong nakakatakot na labanan ang mangyayari.
At napatingin na nga sa kinaroroonan nina Lorben at Ardia Naber ang mga ardia na kinokontrol ng itim na prinsesa.
"Ardia Naber! Mekab adus nim!"
~Ardia Naber! Talunin mo silang lahat!~ madiing utos na ni Lorben sa Ardia niya. Pagkarinig n'on ng Ardia ay sumugod na agad ito. At dahil malakas na ardia si Ardia Naber ay inihahagis lamang nito ang mga kalaban nitong ardia. Mga usa, mga toro, mga ibon at marami pang iba. Mga ardia ng mga mahihinang Albyans na ninakaw o pinakawalan ng itim na prinsesa.
Napangisi si Lorben. Sa tingin niya ay kayang-kaya na ng ardia niya ang mga kalaban nito kaya mapangahas na pumasok na siya sa tahanan ng diwata.
"Nakyam Sawhe! Makatra!"
~Halika na, Sawhe! Bilis!~
"Ne!"
~O-oo!~ Nagtatakbo ang takot na takot na si Sawhe pasunod sa kanya.
Sa pinakadulo ng tahanan nila nakita ang nakatayong diwatang si Lavie. Puting-puti at nagliliwanag ang marangyang kasuotan ng diwata. Kumikinang ang mga hiyas na nakakabit dito.
"Laha a g'natawi Lavie, ima o ya irupupg'a mayna!"
~Mahal na diwatang Lavie, kami po ay nagpupuri sa inyo!~ magalang na wika agad niya kasabay nang pagluhod ng isang tuhod nila ni Sawhe upang magbigay galang sa diwata.
"Lorben, tamala t yahu a!"
~Lorben, salamat at buhay ka!~ nasiyahang sabi ng diwata nang lingunan sila at makilala siya.
Lalong naiyuko niya ang kanyang ulo. "Ne atawi a g'nemeln imaka i laha a yena yaj g'nubo i oatta." ~Opo diwata dahil tinago kami ng mahal na reyna Sayta sa mundo ng mga tao.~
Nagtaka ang mukha ng napakagandang diwata. "Oyaja?! Oni i amw'da?!" ~Kami?! Sino ang iyong kasama?!~
"I Saprea Akial o laha a atawi."
~Si Prinsesa Akial po, mahal na diwata.~
Nakusot ang napakagandang mukha ng diwata pagkatapos ay unti-unti ring nagliwanag. "O yajsa, g'ayba te i Saprea?!" ~Kung gano'n, ligtas at buhay rin ang ating Prinsesa?~
"Ne laha a atawi Lavie, meg ka anus koriba yaj g'nubo i oatta! Us ag derut'n o i ilbusga yoti yar kom'm ag dagipa."
~Opo mahal na diwatang Lavie, ngunit hindi ko po siya mahanap sa mundo ng mga tao. Kaya po naglakas-loob akong bumalik dito kahit na alam kong napakapanganib.~
"Yap ag mi anus nakuriba?! I magab'm te awdak'g oya?!"
~Bakit hindi mo siya mahanap? Ang sabi mo ay magkasama kayo?~
"Ne meg algi anus ag nawaa id karasras i nasuga. Ne noka anus atika."
~Opo ngunit bigla na lamang siyang naglaho noong sinasara ko ang lagusan. At 'di ko na siya makita.~
Nakusot muli ang magandang mukha ng diwata. Tila ba ay nahiwagaan. Kung kayat hinawakan nito ang sintido upang alamin kung anong nangyari. At sa utak o diwa ng diwata ay nakita nito ang nangyari.
"Awaakana ag alahta!"
~Mahabaging bathala!~ dikawasa'y nahintakutan nitong sambit sa mga nakita.
Nagkatingininan sila ni Sawhe na nakaluhod pa rin sa diwata.
"Naa o agala akala anus ag nakuriba, Lorben,"
~Hindi mo talaga siya madaling mahahanap, Lorben," tapos ay napakalungkot na wika ng diwata.
"Tay'n taya o ag ne-wa laha a atawi?!"
~Anong ibig niyong sabihin mahal na diwata?~
"Naa o nanus asta asta ag atika a apmus'n anus i malukukg'na yabka o ag arisia i nasuga!"
~Hindi mo na siya basta-basta mahahanap dahil siya ay isinumpa ng itim na prinsesa bago mo pa man maisara ang lagusan!~
Namilog ang mga mata niya. Kaya naman pala.
"Naa ag noyranid' i arus atta i Saprea. Naa o nanus ag nakuriba! A yar kayo ka nag'gabia o ay'n nat i arus na!"
~Hindi na ordinaryo ang hitsura ngayon ng prinsesa. Hindi mo na siya mahahanap dahil ako man ay 'di ko masasabi kung ano na ngayon ang kanyang wangis!~
Tila ba ay sinakluban ng langit at lupa ang pakiramdam niya. Paano na kung gano'n? Pa'no na niya mahahanap ang kanilang prinsesa at maibabalik dito sa mundo nila?
"Meg ad ya asya ag naara, Lorben!"
~Gayunman ay may isa pang paraan, Lorben!~
"Ay ja?! A kedimar nim! Kilbusia g'nea anus it ot's ag newana!"
~Ano po iyon? At kahit ano gagawin ko. Maibalik ko lamang siya rito sa takdang panahon!~
Sinenyasan siya ng diwata na lumapit. Tumayo siya pati na rin si Sawhe pero siya lang ang lumapit sa diwata. Muli siyang yumuko upang pagbigyan daan ang kamay ng diwata na pumatong sa kanyang ulo.
"Sa i aya o, nakk a ot nahiraya onpa olibulahaka a yaj g'nubo i oatta! Nakk a i monila onpa matawaa adus! Ne onpa i milbusg'napa yaj ge nom o ninim ag peg'gnapia adayna."
~Tulad ng iyong nais, bibigyan kita ng kapangyarihan upang makahalabilo ka sa mundo ng mga tao. Bibigyan kita ng kaalaman ukol sa lengwahe at pamumuhay ng mga tao. Para sa pagbabalik mo roon ay hindi ka na mahihirapan na intindihin sila.~
Napangiti siya at naginhawaan. Hindi talaga siya nagkamali na ito ang kanyang lapitan at hiningian ng tulong. Kahit hindi na niya sabihin ang kailangan ay batid na agad ng diwata.
"Kanamay laha a atawi."
~Maraming salamat mahal na diwata.~
"Naw g'nera a, te yapa amu te yapnugat'g o korib'gana ne Saprea! Od i asa mayna yoti, Lorben."
~Walang ano man, at sana'y magtagumpay ka sa paghahanap sa prinsesa. Madami ang umaasa sa 'yo dito, Lorben."
"Ne op! Kokag'nap!"
~Opo! Pinapangako ko po!~ buo ang loob na sagot niya.
Inilahad ng diwata ang isang kamay nito sa gitna nila. At isang parang compass ang lumitaw roon. "Mial," ~Kunin mo," sabi ng diwata.
"Ara aya yotya?"
~Para san po ito?~
"Atya i ibris'g ag ediu o ag o gedis manya itiga Ardia it Saprea ag kata-katawak'ga upa it apmu."
~'Yan ang magsisilbing palatandaan kung malapit sa 'yo ang mga ardia ng prinsesa na nagkahiwa-hiwalay dahil sa sumpa.~
"Kata-katawak'ga?"
~Nagkahiwa-hiwalay?~
"Ne Lorben. It katija ag kamasapa te kata-katawak'ga itiga ami ag ardia i Saprea oya! Upa it apmu! Apu it wilabgana i arust a te nawaa anayna itiga ardia a!"
~Oo, Lorben. Ayon sa nakita ko sa nangyari ay nagkahiwa-hiwalay ang limang ardia ng ating prinsesa. Gawa ng sumpa! Dahil nag-iba ang kanyang wangis ay nakawala sa kanya ang mga ardia niya!~
Naalala niya ang mga liwanag na parang tumilapon sa kung saan-saan noong parang sumabog ang hiyas ng prinsesa na nakita na lamang niya. "Ne pigala o yaj!" ~Oo naalala ko nga po iyon!~
"Itiga ardia i saprea te kosammi tigada aba-ilba ag oatta, Lorben. Nus ag, adus i nekure. Supa a o yamgapa-masya i ami ag ardia i Saprea te dabus omsi i korib'gna i saprea. Adus g'nea i alalikakakaka ne saprea, Lorben!"
~Ang mga ardia ng prinsesa ay pumasok sa mga iba't ibang tao, Lorben. Kaya sila ngayon ang hanapin mo. Dahil kapag napag-isa mo ang limang ardia ng prinsesa ay sila na mismo ang maghahanap sa prinsesa. Sila lamang ang makakakilala sa prinsesa, Lorben!~
Hindi siya nakaimik. Natitig na lamang siya sa hawak na compass. Kung gano'n ay hindi pala gano'n kadali ang kanyang gagawin.
Magkagayunman ay tumango siya sa diwata nang muling tingnan niya ito. Pinakita niyang disidido pa rin siya na hanapin ang prinsesa. Na gagawin niya ang paghahanap sa mga ardia para mahanap niya ang prinsesa.
Ngumiti rin sa kanya ang diwata at naglaho na.
"Ore, ilbus'g a atta yaj g'nobu i oatta?!"
~Pinuno, babalik ka pa rin sa mundo ng mga tao?!~ tanong agad ni Sawhe sa kanya nang wala na ang diwata.
"Ne! Te magab i nim ag naa a waa-nanaw i asa-ga. Ilbus'g ami ne Saprea Akial! Newyaba e i nairaha!"
"Oo! At ipaalam mo sa lahat na 'wag silang mawalan ng pag-asa. Babalik kami ni Prinsesa Akial! Babawiin namin ang kaharian!"
Sa katuwaan ay nayakap siya ni Sawhe at napaluha ulit ito. "Yarug ina oyayna." ~Mag-aantay kami sa inyo.~
Tinapik-tapik niya ang balikat ng kasamaan. "Ilbus'g ima! Esimor!" ~Babalik kami! Pangako!~
At nang maghiwalay nang yakap ay nakangiti na nilang nilisan ang lugar na iyon. Subalit anong silakbot niya nang biglang bumalibag sa nilalakad nilang palabas ang kanyang Ardia Nober. At ito na ay sugatan! Natatalo na ito!
"Naber!!" hiyaw niya dahil hinila ulit ng kalaban nitong ahas ang kanyang ardia at binalibag naman sa kung saang banda.
"Taya te a naklibus'ga, Lorben! Kanu a nedura us yotya i ardiam!"
~Mabuti naman at nagbalik ka na, Lorben! Sabi ko na nga ba at ito ang iyong ardia!~ Ngising-ngisi ang itim na prinsesang si Sonji na nasa tuktok ng Ardia Kenas.
"Ore, wanamu na!"
~Pinuno, umalis ka na!!~ Tulak agad ni Sawhe sa kaniya.
Hindi niya alam kung anong gagawin. Ang kanyang ardia, hindi niya ito pwedeng iwanan!
"Ore, egi ha wanamu na! Napa na yaj g'nubo i oatta!"
~Pinuno, sige na umalis ka na! Pumunta ka na sa mundo ng mga tao!~
Nahintakutan siya. Kitang-kita niya ang p**********p ng Ardia Kenas sa kanyang Ardia Naber. Lupaypay na ang kaawa-awa niyang tagapagtanggol.
"Pasuikikia ok oya ore! Satgil o i gayi o ara daputa o i kanga imayna!"
~Nakikiusap ako sa'yo pinuno! Iligtas mo ang buhay mo para matupad mo ang pangako mo!!~ sumamo ni Sawhe sa kanya.
Pinataaman na sila ng apoy galing sa mata ng isang ulo ng ahas ng ardia. Tumilapon sila at nagkahiwalay ni Sawhe.
"Aaahhh!" At napaigik siya dahil tumama sa pader ang likod niya.
"Bwahahahaha!!" malademonyong tawa ng itim na prinsesa.
Napapangiwi siya na pinilit niyang makabangon. At anong iyak niya nang makita niyang sabay-sabay na kinagat ng ahas ang kanyang ardia. At tila ba tumingin pa ito sa kanya bago pumikit.
"Nabbeeerrr!!" hiyaw niya nang makita niyang pumikit na ang mga mata ng tagapagtanggol niyang oso.
"Ore! Wanamu na! Mipis i Saprea!
~Pinuno, umalis ka na! Isipin mo ang prinsesa!~ Narinig na naman niyang sigaw ni Sawhe. Hirap na hirap din ang kalagayan nito.
Sa pagkakataong iyon ay parang natauhan siya. Kaya nang sugurin siya ng isang ahas ay alam na niya ang ginawa. Umiwas siya at tumakbo.
Naginhawaan naman si Sawhe nang makita nito iyon. Akala nito talaga ay papanawan na ng pag-asa ang pinuno nito.
"Naa a ag sakataka kayna!"
~Hindi ka na makakatakas sa 'kin!~ malademonyong bigkas ng itim na prinsesa.
Nahihintakutan man ay takbo lang siya ng takbo. Hanggang sa mahulog siya sa bangin.
"Aahhhh!" hiyaw niya na ngapadausdos. Pagkabagsak niya sa ibaba ay inilabas na niya ang hiyas ng lagusan.
"Takul'g a!"
~Magbukas ka!~ utos niya sa hiyas.
Nang magbukas ang lagusan ay agad siyang pumasok. At kabadong-kabado siya na isinara rin iyon nang mabilisan. Nakita pa niya ng isang ulo ng ahas na lumusot. Pero nang magsara ang lagusan nang tuluyan ay nawala rin.
Hingal na hingal siyang napaupo. At naiyak nang maalala ang sinapit ng kanyang ardia..........