PART 5

1944 Words
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong at alalay ni Jojit kay Erika. Tumango ang dalagita. Halatang natakot din ito sa nangyari. Kipkip nito sa dibdib ang pusang iniligtas nito sa gitna ng kalsada. "Muntik ka na ro'n! Pusa lang 'yan, eh!" "Sorry," nahihiyang ani Erika. Inaamin nitong malaking pagkakamali ang pabigla-biglang pagtakbo nito sa gitna ng kalsada kanina dahil kung nagkataon ay madaming ma-a-aksidente. Pero salamat at wala namang masamang nangyari. Sobrang mapagmahal lang kasi sa mga hayop ang dalagita kaya nagawa nito iyon na hindi nag-iisip. "Sa susunod huwag mo na ulitin iyon!" Hinaplos ni Jojit ang ulo ng pusa. Mabait naman ang pusa kaya kahit paano ay okay lang pala na iligtas ito. "Pero Erika nakita mo 'yon?" "Ang alin?" Tumingala sa langit si Jojit, kung saan lumipad 'yung kabayo na may pakpak na nakita nito kanina. "'Yung unicorn na biglang lumitaw?! At niligtas ka! Doon siya lumipad, oh!" turo pa ni Jojit sa ngayon ay puro ulap ng kalangitan. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Erika. Sinundan nito ng tingin ang tinuro ni Jojit. "May gano'n ba kanina?" "Oo!" Bumakas ang amazement sa mukha ni Erika. Wala kasing nakita ang dalagita dahil pumikit ito ng mariin nang akala nito ay mababangga ito. "Ang astig nga, eh!" pagmamalaki ni Jojit. "Parang galing sa fantasy world! Sayang nakalimutan kong picture-an! Ang gandang unicorn!" "Gumagawa ka na naman ng kwento!" nakalabing ani Erika. Hindi naman kasi kapani-paniwala 'yon, eh. Dahil kathang isip lang ang mga mythical creatures like ng tinatawag nilang unicorn. Kaya imposible na magkaroon ng unicorn sa totoong mundo lalo na sa panahon ngayon. Kabayo nga lang hirap ka ng makakita ngayon, eh! Unicorn pa kaya?! "Hindi, ah! Totoo! At hindi lang ako ang nakakita!" "Sige nga aber?! Sino pa ang nakakita?!" Inilibot ni Jojit ang tingin sa mga tao. At isang padaan na magsyota ang hinarang nito. "Ate, Kuya, nakita niyo ba 'yung unicorn kanina? 'Di ba ang astig?!" Kaso ay umiling ang magsyota at nagmukha lang itong parang tanga sa tingin ng mga ito. "Jojit, halika na lang doon! Libre mo na lang ako kasi bigla akong nagutom at nauhaw sa nangyari!" Nginuso ni Erika ang isang convenience store. Paraan nito para magtigil si Jojit sa kalokohan nito. Napahiya si Jojit. "Erika, totoo ang sinasabi ko! Baka 'di lang nakita ng mga 'yon!" Hinila na ni Erika ang backpack ni Jojit dahil parang haharang na naman sana ito ng tao para tanungin at patunayang totoo ang sinasabi nito. "Halika na!" "Pero totoo nga 'yon! May unicorn!" Sayang lang dahil pagkapasok ng dalawa sa store ay ang pagdating naman ni Lorben sa lugar na iyon. Humahangos ang magiting na Ore (mandirigma ng mundong Albayana) dahil patakbo siyang nagtungo sa lugar kung saan nakita niyang nanggaling si Ardia Slypha (The unicorn guardian). Palinga-linga siya sa paligid. Hinahanap niya kung saang tao nanggaling si Ardia Slypha. Subalit sa dami ng tao ay hindi niya mahulaan kung sino. Hindi niya inaalintana ang makahulugang tingin sa kanya ng mga tao dahil sa kakaiba niyang kasuotan. "Tingnan mo, oh. Parang tanga lang," sabi ng isa. "Ang init-init pero ganyan ang suot niya. Baliw yata," sabi pa ng isa. Napakunot-noo siya hindi dahil sa pangangantyaw sa kanya ng mga tao kundi dahil... dahil naiintindihan na niya ang salita ng mga tao! Nauunawan na niya ang mga salita ng mga ito! Saglit lang ay napangiti siya ng maluwang. Ang binigay sa kanya na karunungan ni Diwatang Lavie, gumana! "Nababaliw na siguro 'yan pero astig naman ang suot niya, ah. Parang kawal sa makalumang mundo," komento pa ng isang oattat (tao) na lalaki sa kanya. "Baka talent 'yan. Baka may nagsho-shooting sa malapit dito kaya ganyan ang damit niya," sabi naman ng isa. Napakunot-noo ulit siya. Tapos ay napatitig siya sa kasuotan niya. Anong mali sa kasuotan niya? Bakit siya pinagtatawanan ng mga tao? Inilibot niya ang tingin. At ngayon lang niya napagtanto. Kaya pala! Dahil ibang-iba nga naman ang hitsura niya sa mga tao. Ibang-iba ang damit ng mga ito sa kasuotan niya. Napabuga siya ng hangin. Saglit na nawala sa isip niya kung saan galing sa mga ito ang ardia na unicorn ng kanilang saprea (prinsesa). Natuon na ang pansin niya sa kausotan niya. Pero saan naman siya kukuha ng damit ng katulad ng mga tao? "Tabi," mahinang tinig ng isang binata. Naka-jacket ito ng may hood na nakasuot sa ulo kaya hindi makita ang mukha. At kung makalakad ay parang walang pakialam sa mundo dahil yukong-yuko ang ulo nito. Nakapamulsa rin ang dalawang kamay nito. Napasunod ng tingin siya sa binata dahil bahagya siyang nabangga nito sa balikat. At napansin niya na kakaiba rin ang hitsura ng lalaki, pero bakit hindi ito mga tinawanan ng mga tao? Naging mailap ang mga mata niya. Nagkaroon siya ng ideya. Ang gayahin ang lalaki. Niyuko niya rin ang ulo at parang wala lang na naglakad na palayo. Sumunod siya sa lalaki. Saka na siya babalik sa lugar na ito kapag maayos niya ang kanyang sarili. Kapag magmukha na siyang tao. Kahit saan pumunta ang lalaki ay sumunod siya. Sunod lang siya ng sunod. Kahit na lahat ng madaanan niya ay takang-taka sa hitsura niya. Hanggang sa bigla na lamang ay hindi na niya makita ang lalaki. Lumusot lang naman sila sa isang kantong wala nang malusutan. Pero nawala ang lalaki. Parang naglahong parang bula. Namangha siya. Sabi na nga ba niya at katulad niya ang lalaki! Pero pagtingala niya. "Yaaaaahhh!!" Ay nando'n pala ang lalaki at akmang tatadyakan siya mula sa taas. Nakakapit pala ito sa pader. Buti na lang at isa siyang mandirigma. Nakaiwas siya sa lalaki. Kaya sa semento lumapag ang lalaki na nakapormang pangkarate. "Sino ka?!" tanong nito sa kanya nang makaayos ng tayo. "Bakit mo ako sinusundan?!" Umayos din siya ng tayo. "Ako si Lorben. Galing ako sa mundo ng Albayana," pakilala niya. At nagtaka siya dahil iba na ang pananalita niya. Hindi lang pala siya nakakaintindi ng salita ng tao kundi nakakapagsalita na rin siya ng salita ng mga tao. "Bakit mo ako sinusundan?" blangko ang emosyon na tanong ng lalaki pa. Seryosong-seryoso ito. "Dahil parehas tayo na galing sa ibang mundo. Gusto ko sanang humingi sa'yo ng tulong." "Tsss. Ano bang sinasabi mo?!" "Iba kasi 'yang pananamit mo, tulad ko," giit niya. Nakusot ang mukha ng lalaki. Tila ba ngayon lang napansin na iba ang kasuotan ng kausap. Tapos ay napasinghap ito sa hangin. "Tao ka rin ba?" paninigurong tanong niya pa. "Dahil hindi ako tao!" "Sinasabi mo?! Lakas ng trip mo, ah!" "Huh?!" Kahit na nakakaintindi na pala siya ng salita ng nga tao ay mayroon ding mga hindi pala. Kaya huh lang ang naisatinig niya. Inalis ng lalaki ang hood sa ulo. Namangha siya. Dahil 'yon lang ay nagmukhang hindi na kakaiba ang suot ng lalaki. Ang galing! "Pwede mo ba akong bigyan ng mga ganyang kasuotan?" Lakas-loob niyang hiling. "Takas ka sa mental noh?!" inis na turan ng lalaki sa kanya. "Anong mental?" Lalong magsalubong ang dalawang kilay ng lalaki. "Mico! Tara na!" tawag ng isang lalaking nakasakay ng motor sa lalaki na Mico pala ang pangalan. "Sige!" sagot ni Mico na 'di nililingon ang lalaking tumawag sa pangalan nito. Isang hagud ng tingin muna sa kabuoan ni Lorben ang ginawa nito bago sinuot ulit sa ulo ang hood ng jacket nito. At iniwan na basta-basta ang kausap. Sinubukan pa sanang sundan ni Lorben ang lalaki pero nakapagtatakang may sinakyan itong kakaibang nilalang. Nilalang na parang bakal. At napakabilis tumakbo. "Oy!!" Gulat siya. Isang bakal pa kasi na nilalang na naman ang dumaan sa kanyang harapan (kotse). Buti naitabi niya agad ang sarili kundi nasagi sana siya. Tapos isa pa! At masasabi niyang napakabilis nga ng mga nilalang na bakal. Mga ardia (guardian) kaya sila? Pero anong klaseng mga ardia ang mga ito? Naningkit ang mga mata niya. Gusto niyang malaman kung anong klaseng ardia ang mga nakikita niya na sinasakyan ng mga tao. Subalit ang lumabas sa kanyang isipan ay isa pala iyong uri ng sasakyan lamang at hindi ardia (guardian). Napabuga siya ng hangin sa kanyang bunganga. Sa tingin niya ay madami pa siyang dapat matutunan dito sa mundo ng mga tao. At ang una niyang gagawin ay alamin kong paano makakakuha ng kasuotan ng mga tao. Mahihirapan siyang hanapin ang mga ardia ng kanilang Saprea (prinsesa) kung ganito ang kasuotan niya. Magiging sagabal sa kanya ang mga mapanuring tingin ng mga tao sa kanya. Kaya kailangan na niyang makapagpalit. Naglakad-lakad siya. Hanggang sa nakakita siya ng bilihan ng mga damit ng mga tao. "Kuya bili ka na! Mga bagong dating po! Mga bago po lahat 'yan!" Hila sa kanya ng isang dalaga. Naging malikot ang tingin niya sa loob ng pamilihan. At sinubukan niyang basahin ang mga nakasulat doon. "Ukay ukay?!" Basa niya sa isip niya sa unang binasang mga letra na nakalimbag. "Twenty isa! Tapat na po!" Basa pa niya sa isa pang nakalimbag sa isang karton. Hindi niya maunawan kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon pero sapat na nababasa niya ang mga ito. "Bili ka na, Kuya?" Pilit ng babae sa kanya. "W-wala akong pambili. Dayo lamang ako sa mundong ito," sabi niya. "Gano'n po ba?" saad ng babae na kinilatis ang kasuotan ng binata. At napangisi ito. Palibhasa ay negosyante ang babae ay may naisip agad itong ideya. Napansin kasi nitong hindi ordinaryo ang kasuotan ng lalaki at pwede nitong ibenta ng mas mahal. "Kung gusto mo, Kuya, palitan ko ng damit namin 'yang damit mo. Gusto mo?" "Hoy, Danica! Anong sinasabi mo?!" sita ng kasama ng babaeng Danica pala ang pangalan. Narinig nito ang offer nito sa lalaki. Sinenyasan ni Danica ang kasama at binulungan. "Akong bahala rito, okay?!" "Bahala ka nga!" ingos ng kasama nito sabay layo. Binalikan siya ng tingin ni Danica. "Ano, Kuya?" ta's nakangiti nitong tanong sa kanya. "Palit tayo?" "Opo! Kung wala kang pera at naiinitan ka na riyan sa suot mo!" Nag-isip siya saglit pagkuwa'y pumayag na siya. Madami pa siyang ganitong kasuotan sa Albayana kaya okay lang na mawala ito. Ang mahalaga makasuot siya ngayon ng kasuotan ng tulad sa mga tao. Dali-dali siyang sinukatan ni Danica ng damit at pantalon. "Ito Kuya, apat na piraso 'to. 'Di ka na lugi!" Tumango siya. "Halika ka, Kuya. Palitan mo na 'yang damit mo!" Sunod-sunuran lang siya. Pinasok siya ni Danica sa isang maliit na silid. "Anong gagawin ko rito?" nahintakutang tanong niya. "Diyan ka magbibihis, Kuya." "Magbibihis?" "Opo." At sinara na ni Danica ang pinto ng maliit na silid. Maang na nakatayo lang muna siya roon. Kinilatis niya muna ang maliit na kahong kinalalagyan. Tatawa-tawa si Danica naman sa labas ng fitting room. Tawa na walang boses. "Hoy, Danica! Ano ba 'yang customer mo, ha?! Sa'n galing 'yan na lupalop ng mundo?" pabulong na tanong ng isa pa nitong kasama rito. Tatawa-tawa pa rin si Danica. "Hayaan niyo na! Basta kikita tayo ng malaki sa kanya!" "Paano mo naman nasabi?" Humagikgik si Danica. "Basta akong bahala! Kaya sige na hayaan niyo na lang ako rito!" at pagtataboy na nito sa mga kasama. "Kuya, okay ka na riyan?" malakas na tanong ni Danica na sa nagbibihis na lalaki. Pero walang sumagot. "Kuya?" Kinatok ni Danica ang pinto. "H-hindi ko alam paano isuot ito," sa wakas ay sagot ng lalaki. "Sige po tutulungan kita." Binuksan ni Danica ang pinto ng fitting room ng ukay-ukay nila. "Waaaahhhhh!!!" Sibalit malakas nitong sigaw sabay balibag sa pinto ng fitting room pasara ulit. Takot na takot ang hitsura nito. "Danica bakit?!" Sugod ng mga kasama nitong tindera. Napangiwi si Danica na napatutop sa bunganga nito. Kasi nakahubad ang lalaki! As in hubo't h***d kaya nakita nito tuloy 'yung ano.. 'yung nanunuklaw! Wwaaahhh!! .........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD