Wang wang ng mga sasakyan ng mga pulis at bombero ang umalingawngaw na sa paligid. Napakabilis ang pagresponde ng mga ito dahil sa mga nasusunog gawa ng dragon. "Mico! Tara! Tara!!" hila ng isang kasamahan na lalaki ni Mico sa kanya. Ayaw pa sana ni Mico dahil gusto niyang makausap ang lalaking tumulong sa kanya sa kakaibang pangyayari na 'yon. Nga lang ay takot din naman siyang mahuli ng pulis dahil sa panggugulo nila ng tropa niya. Kaya atubili na rin siyang sumakay sa motor. "Sandali! Lopasa ag oas'g a!" ~Sandali! Kailangan nating mag-usap!~ habol ni Lorben dito. Ngunit agad na pinaspasan ng mga binata ang pagpapatakbo ng motor. Tumakas na ang mga ito. "Kuya Lorben!" dikawasa'y tinig ni Estong. Hinila siya nito sa isang bisig. "Estong kailangan ko siyang makausap! Nasa kanya ang i