"Ate Nica isa ka din!" manghang-mangha na naibulalas ni Estong sa kapatid niya. Mabilis ang naging kilos ni Lorben, nilapitan niya si Nica. Hinawakan ang v-ship nitong damit at bahagyang hinila pababa para makita ang hiyas kung totoo ngang may hiyas doon. Ang 'di niya inasahan ay isang malutong na sampal ang pakakawalan ni Nica na tumama sa pisngi niya. "Bastos!" singhal ni Nica. Natulala si Lorben na napahawak sa pisngi niya. Habang sina Estong at Danica ay napahagikgik. "Bakit mo ako sinaktan?" takang tanong ni Lorben sa dalaga na hawak pa rin ang pisngi. "Bastos ka eh!" singhal ni Nica. Pinagkurus nito ang dalawang kamay sa dibdib. "Tiningnan ko lang naman ang hiyas" paliwanag ni Lorben "Anong masama doon?" Napailing si Estong at parang matanda ito na pumagitna sa dalawa bago pa