Chapter 93

2417 Words

PRECY “Bakit nandito ka, Casper? Ano’ng ginagawa mo d'yan sa likuran namin? Nakikinig ka sa pinag-usapan naming dalawa ni Precy, hindi ba?” sunod-sunod at nandidilat ang mga matang tanong ni Ate Marites sa kanang kamay ni Aryan. “Kadarating ko lang,” agad na sagot ni Casper. “Wala naman akong narinig sa usapan ninyo.” Mataray na tinaasan siya ng kilay ni Ate Marites. “Sigurado ka?” naniniguro na tanong ng babaeng katabi ko. “Oo,” seryosong sagot ni Casper, pero ang mga mata ay nakatingin sa akin. “Ano na namang kailangan mo at narito ka?” masungit na tanong ni Ate Marites. “Naku, Casper! Kung nandito ka para yayain akong bumalik doon sa malaking silid mo, sinasabi ko sa iyo, hindi ako sasama dahil masakit pa ang buong katawan ko!” Mabilis na lumapit sa amin si Casper at tinakpan a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD