CHAPTER THREE

1376 Words
NANG tumigil ang bus, idinilat ko ang aking mga mata. Tirik na ang araw. Tiningnan ko oras ng aking cellphone. Pasado alas-otcho y medya na. Kaunting kilometro na lamang din ay makakarating na ako sa aming probinsya. Hindi na ako muling pumikit pa, at itinuon na lamang ang aking pansin sa byahe. Nang makitang malapit na ako sa boundary ng aming bayan ay pumara na lamang ako kahit na hindi pa talaga tuluyang narating ng bus na aking sinasakyan ang aktuwal na lugar na dapat na babaan ko. Bago ako bumaba ay inabot ko muna sa driver, ang aking pamasahe saka tuluyan nang bumaba mula sa bus. Siguro ay nagtataka ang ibang mga pasahero roon kung bakit bigla-bigla na lamang akong pumara sa isang lugar na wala namang kabahay-bahayan. Hindi naman kasi iyon ang punto. Hindi makikita sa mapa ang mga teritoryo ng mga taong-lobo. Madalas ay naninirahan kami sa mga liblib na lugar, at nakikisalamuha lamang ng mga normal na tao sa trabaho, eskwelahan, at iba pang mga pangsekular na mga gawain. Kung mayroon mang werewolf na naninirahan sa mga condo, hotel, at iba pang mga lugar sa syudad ay nararapat na mayroon itong sapat na kakayahang i-control ang kaniyang sarili, lalo na sa pagsapit ng kabilugan ng buwan. Hindi puwedeng mag-transform na lamang ng biglaan bilang isang lobo sa harap ng mga normal na tao. Tiyak na magkakaroon pa ito ng gulo, at mapagkaalaman pang mayroon palang isang taong-lobo sa lugar na iyon—mga bagay na tanging iniiwasan ng lahat na werewolf. Ngunit ang lugar na ito, ang Slovokandia ay isang ligtas na lugar para sa mga taong-lobo at mga tao. Wala pang nakakaalam masyado. At kung mayroon mang nakakaalam ay nanatili silang tahimik at rinerespeto ang aming kaanyuhan. Kaya ito rin ang mga dahilan kung bakit karamihan sa mga werewolf ay dito na tumira. Ang masaklap lamang ay hindi lamang taong-lobo at tao ang pumiling maninirahan dito. Dahil pati mga halimaw at mga taong may kakayahang gumawa ng mahika ay dito na rin naninirahan. Kaya maraming mga taga-labas na mamamayan ang umiiwas sa lugar na ito, at kinatatakutan ang bayang ito. Hindi pa ako nakalayo mula sa National Road. Pero dagsa na ang mga lamok at iba pang uri ng mga insekto sa paligid. Hindi masyadong naaabot ng sinag ng araw ang daanan ko dahil sa kapal ng mga dahon ng mga puno na humaharang sa liwanag na dala ng araw. Makapal na kagubatan pa ang tatahakin ko. Walang sasakyan papunta sa Flenzieras. Ni walang mag-aakalang mayroon palang mamamayang naninirahan sa dulo nitong kagubatan. Nagsisimula na akong mapikon. Naka-jacket ako at pantalon, pero hindi parin iyon sapat para hindi ako makaramdam ng pangangati. Siniguro ko lang na hindi makagat ng mga insekto ang aking mukha. Baka mamaya ay mapagkamalan pa akong mangkukulam—sa panget ng aking wangis—na siyang dahilan ng sunog sa aming baryo. Habang abala sa pagbubugaw ng mga lamok sa aking katawan, na-blocking ako ng isang walanghiyang ugat ng punong-kahoy. “Bwis*t!” Mabilis pa sa alas-kuwatro ang aking pagkadapa dahil sa kawalan ng balanse. Naging dahilan iyon upang mapagulong-gulong ako sa damuhan. “F*ck! Shit! Aray ko! Hala! ’Tang ina! Ang malas naman, oh!” Sa dami-rami ng mga nasabi kong mga mura, isa lang ang tumutugma sa sitwasyon ko ngayon—kamalasan. Ang dating iniingat-ingatan kong mukha upang hindi makagat ng lamok ay nagkaroon na ng gasgas. Binalot ang aking damit ng mga tuyong dahong matinik. Pati ang mga hibla ng aking buhok ay kinapitan na rin ng mga sanga at dahon—nakakaurat. Tamad akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Sandali muna akong umupo habang pinapagpag ang aking sarili. Wala akong magawa. Kung hindi ay ang magreklamo sa aking situwasyon. Sakto nang maiangat ko ang aking tingin sa may hindi kalayuan mula sa aking kinauupuan, nakakita ako ng isang lobong tila kumikinang sa ganda at puti ng kaniyang mga balahibo. Bahagya kong pinunasan ang aking mga mata gamit ang scarf na nakabalot sa aking leeg, upang malinisan ang aking pananaw. Ngunit nang makita ko na nang maayos ang lobong iyon, mas lalo ko lang nakumbinsi ang aking sarili na talagang kumikinang siya. Nagmistulang alon sa lambot ang kaniyang maputing balahibo kung titingnan. Nahiya ang pagiging kapuwa white-furred werewolf ko. Parang gusto ko na lamang siyang puntahan kaagad at tanungin ang kaniyang beauty tips. Malaki ang kutob kong pag-aagawan siya ng mga lalake kung sakaling makita siyang naka-transform sa pagiging lobo. Akmang tatayo na sana ako nang bigla siyang kumilos, dahilan upang matigilan ako at muling mapaupo at magtago sa likod ng kahoy. Pasulyap-sulyap ko siyang pinagmamasdan. Hindi ko parin mapigilang mamangha sa ganda na kaniyang taglay. Habang tahimik at sikretong nakamasid sa kaniya, mayroon akong napansing isang lubid na nakahugis bilog na nakatali sa ibabaw niya. Pinanlisikan ko iyon ng aking mga mata hanggang sa malinaw ko na itong makita. Hindi iyon basta lubid lang! Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ko nang biglang pumatong ang lobo sa malaking bato na malapit sa punong pinagtatalian ng lubid. Napabalikwas ako ng tayo nang akmang ipasok niya na ang kaniyang ulo sa lubid na bilogin. Isa lang ang natitiyak ako. Balak niyang magbigti! Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Agad na akong nag-anyong lobo upang mabilisan ko siyang maabutan. Kung mananatili akong naka anyong tao ay hindi ko na siya maaabutan dahil kahit nakikita ko siya, masyado paring malayo ang agwat namin sa isa't isa. Isa lang ang determinasyon ko ngayon—ang mapigilan siya sa kaniyang balak na gagawin. Isang mahabang pagtalon ang ginawa ko nang mapalapit na ako sa kaniya. Walang pag-aalinlangan kong inabot ang lubid at walang hirap itong pinutol gamit ang mga matutulis kong mga kuko. Kasabay ng pag-landing ko sa damuhan ay ang kaniya ring pagbagsak dito. Hindi na siya lobo nang madatnan ko siyang bumagsak sa sahig. Noong una ay hindi ko pa siya tuluyang makita nang maayos dahil napalayo ang bagsak ko mula sa itaas dahil sa lakas at taas ng aking pagtalon. Nag-transform ako pabalik bilang tao nang mapagdesisyonan ko siyang puntahan pabalik, at alamin ang kalagayan niya. Rinig ko ang kaniyang walang awat na pag-ubo kaya agad ko siyang nilapitan upang matingnan siya nang maayos. Ngunit sa pagkakataong nagtama ang aming mga mata, napagtantohan ko na lamang na ang kaninang buong akala ko'y isang babaeng taong-lobo na kumikinang sa ganda ay isa palang lalaki. Ngayong kaharap ko na siya, hindi ko magawang awatin ang aking sariling mapatitig sa kaniyang mapupungay at mala-dagat na asul niyang mga mata. Ang maamo niyang mukha ang siyang nagbigay sa akin ng bago at kakaibang damdamin na hindi ko pa kailanman naranasan mula noon. Ang kaniyang magandang hubog na katawan. Ang kaniyang tila gatas na balat. Isang prinsipe! Isang prinsipe ang kaharap ko! Oo, ako na ang mag-de-declare na isa siyang prinsipe! “Bakit mo ako iniligtas? Magbabayad ka!” Ang boses niya ay tila hinihila ako pailalim ng kaniyang ngayo'y walang saplot na katawan—este galit niya akong sinigawan na siyang dahilan ng aking pagkaalarma. Nawala ako sa passing. Nakakaakit kasi siyang tingnan. Pero hindi na iyon ang mahalaga. Nang mahimasmasan ako, doon nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. “Magbabayad? Bakit naman ako magbabayad? Iniligtas kita! Dapat nga, eh, magpasalamat ka pa!” sigaw ko pabalik sa kaniya. Sandali niya akong pinagkatitigan. Ayan na naman ang mga nakakalunod niyang tingin. Ang mga mata niyang tila crystal na may sariling dagat sa loob. Bigla siyang nagsalita. “Kailangan kong mawala para sa ikakatahimik nila,” aniya. Muli siyang tumayo, walang paki kung may suot ba siyang damit, o wala. Ako naman na late na ring napansing gutay-gutay na pala ang damit na suot ko ay nataranta na rin. “G*go! Nasaan ang bag ko?” Nilingon ko ang paligid. Ngunit sa halip na makita ang aking bag pack, nahagilap ng aking tingin ang muling pag-akyat ng lalaki sa bato upang ikabit ulit sa leeg niya ang lubid na nakatali sa sanga ng kahoy. Balak niya na namang magbigti ulit! Nawala na sa isip ko ang gutay-gutay kong damit. Tumayo na ako at agad siyang tinakbo. Tumalon ako sa kaniyang likoran bago pa man niya tuluyang maisabit ang kaniyang leeg sa lubid. “Huwag!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD