The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 10, 2020 Part 23: Mission Impossible "Goodmorning, coffee?" ang bati ni Francis noong dumating kami sa meeting room ng SF. "Sige pre, isa ako yung matapang na puro." ang wika ni Bryan. "Ikaw Adel?" "Ayoko, mag orange juice nalang ako." ang sagot ko sabay punta sa gilid para mga timpla ng malamig na inumin. "Ikaw Ed? Pag titimpla ba kita?" tanong ni Francis habang naka ngiti. Umirap sa kanya si Ed. "Ayoko ng kape, lalo na pag ikaw ang nag timpla." ang maarteng wika nito, naka chin up at mabilis na pumasok sa silid. Napakamot ng ulo si Francis. "Anyare dun?" tanong nito "Wala, may sanib lang siya kaya ganoon." sagot ko naman at sumunod na rin ako kay Ed sa loob ng silid ng pag pupulong. “Ang init ng ulo mo ngayon, anong mayroon?” tanong ko haba