The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 8, 2020 Part 21: Ang Dalawang Ama Ilang araw ang makalipas matapos ang misyon namin sa Bloody moon Island. Isang malaking issue pa rin sa amin yung naganapan doon sa isla na walang sinuman sa amin ang makapag paliwanag ng maayos. "Kung ganoon paano niyo ipapaliwanag yung misteryo ng isla? Yung tungkol sa Odlid?" tanong ko kila Agaton noong nakaupo kami sa silid ng pag pupulong. "Wala naman ni isa ang naka detect ng liwanag sa isla. Saka kung ano man iyon ay baka ipinakita lang sa atin ng odlid kung gaano kaganda ang sibilisasyon nila. Parang iyon ang pinaka katapusan ng lahat kumbaga ay nilagyan lang ng tuldok ang kwento ng sinaunang kasaysayan nila. Saka wala namang report tungkol sa islang iyon, walang record, walang kahit ano, para lang tayo