Mavis Nhea's P. O. V. Ka-text ko si Mommy. Ibabalita ko sa kaniya ang grades ko dahil hindi na raw siya makakapunta dahil sa urgent meeting kasama si Daddy. Si Manong Rey ang kukuha ng card ko at card ni Faith. Nakaupo kaming lahat sa stage room building, isa-isang tinatawag ang mga estudyante na may academic award habang ako ay umattend lang para sa attendance. Hawak ko pa rin ang puson ko. Hindi mawala sa isip ko ang nangyare kahapon sa loob ng cr at ang sinabi ni Gale sa akin. Napapatulala na lamang ako habang iniisip kung ano pa nga ba ang posible mangyare sa akin. "Congratulations to all my grade 10 students who will receive an award. Let me call all the awardees from top 10 to top 1," ani Ma'am kaya napatingin ako sa stage kung nasaan siya nakatayo at may hawak na mic. "Congratul