Mavis Nhea's P. O. V. Nanonood ako ng teleserye sa tv nang biglang narinig kong bumukas ang gate, napasilip ako sa bintana at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kotse ni Mommy na papasok sa garahe. "A-Anong ginagawa--" Agad akong nataranta at nag-ayos ng aking sarili. Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Ardel, nakita ko namang naglalaro ng computer game si Ardel at nakasuot ng headset. "Ardel." Hindi niya ako nilingon at tutok na tutok ito sa kaniyang nilalaro. "Ardel, nandito si Mommy," ani ko pero tila ba hindi niya naririnig. Lumapit ako at kinalabit siya. Nilingon niya ako at inis na tinanggal ang headset niya. "I was about to shoot! Natalo tuloy ako!" sigaw niya. Napayuko ako. "N-Nandyan si Mommy..." bulong ko. "What? Wala man lang silang sinabi na pupunta dito, the f*ck,