Mavis Nhea's P. O. V. Malungkot akong pumasok sa school kinabukasan, parang walang pakialam sa akin si Ardel matapos niyang makita ang mga bago kong galos sa katawan na gawa ng girlfriend niya. Nawawalan na ako ng pag-asa, nahihirapan na ako. Nakayuko akong naglalakad sa hallway. Malakas ang loob kong pumasok ngayon dahil alam kong suspended na sila Darlyn, hindi ko naman pinaalam kay David ang nangyare pero hindi kami nagkita kahapon dahil busy daw siya. "Mavis." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Tila ba may kabayong tumatakbo sa dibdib ko sa lakas ng t***k nito. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko. Nakita ko si Darlyn na nakangiti sa akin. "Ipasok niyo na siya," aniya. Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin ako ng dalawang babae sa isang baka