Mavis Nhea's P. O. V. Nagising ako sa isang malambot na kama. Dama ko ang p*******t ng katawan ko dahil sa mga nangyare sa akin. Wala akong ganang umupo sa kama, napagtanto kong narito ako sa kwarto ni Ardel at nakahiga sa kama niya. Napayuko ako at napabuntong hininga. "You're awake, get out of my bed," narinig ko ang boses ni Ardel kasabay ng tunog sa pagbukas ng pintuan. Napatingin ako kay Ardel na nakasuot ng simpleng t-shirt at boxer shorts. Hawak niya ang kaniyang cellphone at lumapit papunta sa akin. "I said get out of my bed," pag-uulit niya. Ramdam ko ang kirot sa puso ko, lahat ng nangyayare sa akin ay dahil sa kaniya. Hindi ko na matitiis pa ito. "Nakikita mo ba lahat ng pasa at galos ko, Ardel?" tanong ko. Tumingin ito sa akin at umirap. Halata naman na wala siyang pakia