PART 6

883 Words
"Welcome home, Jo-anne!" sabay-sabay na bati kay Jo-anne ng mga kamag-anak niyang inimbita pala ng Nanay niya para isurpresa siya sa kanyang pag-uwi. "Salamat!!" tuwang-tuwa na palasamat niya. Maluha-luha na niyakap niya ang mga pinsan niya, tita niya at kung sinu-sino pa na pumunta sa bahay nila. "Ikaw na ba 'yan! Ang laki mo na!" sabi niya sa isang pinsan. "Tita, gumanda ka, ah?!" Pambobola rin niya sa isang tiyahin. Sa tiyahin niyang tumulong sa kanila ng marami sa operasyon ng kanyang mga mata. "Syempre naman!" Niyakap niya ang tiyahin. "Maraming salamat po sa lahat," saka madamdamin niyang sabi. Nangilid ang mga luha niya. Kung wala kasi ang maperang tiyahin niya na ito ay imposible na maipa-opera ang kanyang mga mata. "'Wag mong isipin 'yon dahil bago namatay ang tatay mo ay nangako akong tutulungan ko kayo ng nanay mo," sabi sa kanya ng tiyahin. Mas nagpapasalamat siya ngayon sa Diyos at nakakakita na siya dahil nakita na niya ulit ang mga importanteng tao sa buhay niya. Hindi na lamang imahinasyon ang ginagawa niya. Ilang oras silang nagkwentuhan ng kanyang mga kamag-anak. Ilang oras na kumain at ilang oras na nagkasiyahan. Sobra-sobrang kasiyahan ang nadarama niya ngayon. Pwede nga niyang sabihin na pwede na siyang mamatay pero hindi niya sasabihin dahil ang gandang mabuhay! Lalo na kung ganito na nakikita mo ang lahat na nagmamahal sa'yo! "Sige, Jo-anne ha?! Dalaw- dalaw ka na lang sa bahay!" paalam ng huling Tita niya na uuwi na rin daw. Marami na ring umuwi. At iilang na lang ang natira. "Sige po! Salamat po!" Beso-beso siya sa mga umaalis na. Hanggang sa silang tatlo na lang ulit ng Nanay niya at ni Jaycion ang natira sa bahay nila, ay apat pala dahil nanatili at nakipagsaya rin si Madel kahit hindi nakikita ito ng mga tao. "Masaya ka ba, Anak?" tanong ni Aling Juana sa kanya na maluwang ang pagkakangiti. Umakbay siya sa napakabait niyang Nanay. "Oo naman, Nay! Salamat po! Maraming-maraming salamat po!" "Naku syempre anak kita kaya papasayahin kita!" madamdaming wika ni Aling Juana. Nagyakapan silang mag-ina. Hindi napigilan ni Aling Juana ang hindi maging emosyonal. Ngayon pa ba nito hindi papasayahin ang anak? Ngayong nakakakita na ito? "Oh siya, maiwan ko muna kayo ni Jaycion dito. Lilinisin ko lang ang mga kalat." "Sige po, Nay." Nagngitian sila ni Jaycion. Pero konting kwentuhan lang nila ay nagpalaam na rin ang binata. May trabaho pa raw kasi mamaya. Nangako namang bibisitahin pa rin siya lagi tulad ng dati basta hindi ito busy sa trabaho. Wala raw magbabago sa kanila. #kilig "Ate, ang saya mo kanina noh?" tanong ni Madel nang nagpapalit na siya ng damit sa loob ng kanyang kuwarto. "Oo! Para akong nabuhay ulit sa aking pakiramdam!" sabi niya na hanggang teynga ang ngiti. Pero si Madel ay napawi unti-unti ang mga ngiti nito sa labi. Sa isip ng bata ay sana ito rin, sana bigyan din ito ng second chance para mabuhay ulit para muli nitong makita ang pamilya. Pero alam nitong imposible na iyon. Kung mabubuhay pa ito eh malamang zombie na siya. Ayaw naman niya 'yon. "Oh, nalungkot ka na naman?" pansin ni Jo-anne sa pananahimik ng bata. Lumapit siya rito at inakbayan. "H'wag kang mag-alala. Bukas makikita mo na rin ang pamilya mo at malalaman na natin kung anong nangyari sa'yo. Dahil bukas pupunta na tayo sa bahay niyo. Sasamahan kita!" Lumiwanag agad ang mukha ng batang multo. Nagngitian silang dalawa. Mayamaya may naalala siya. Naalala niya 'yong babaeng multo na nakita niya sa labas ng ospital. 'Yung Babaeng multo na na walang mukha. "Madel?" "Ano 'yon, Ate?" "'Di ba sabi mo marami akong multo na hindi nakikita? Sabi mo ikaw lang ang nakikita ko?" "Opo! Kasi ngayon nga may kasama tayo rito sa silid mo na multo, eh!" Biglang umasin ang mukha niya. Nahintakutan siya. Nayakap niya ang sarili at ngiwing napalunok. "Ayan po siya, oh!" turo pa ni Madel sa babaeng white lady na syempre hindi niya nakikita. Yay! Halos mapatalon siya sa takot. Juskolord! "Huwag mo nang ituro kung nasa'n!" saway niya sa batang pasaway. Kita na ngang takot siya, eh. Pambihira! Napahagikgik si Madel. Ang totoo'y sinasadya nitong takutin ang kausap. "Aba't tinatawanan mo pa ako, ah!" Ingos ni Jo-anne sa bata. Ang sama! Pero syempre arte lang niya iyon. Nag-peace sign si Madel sa kanya. Lalong naging cute ito. "Bakit po ba kasi natanong mo pa 'yon, Ate?" Kumibot-kibot ang labi niya. "K-kasi ano eh.. ahmmm.. May nakita akong multo kanina." "Oo nga po! Ako po 'yon!" "Haissttt! Hindi ikaw syempre!" Napakunot-noo ang bata. "Ang ibig mo pong sabihin nakakakita ka rin ng ibang multo maliban sa'kin?" Sunod-sunod ang naging tango niya. "Eh, bakit hindi mo nakikita po ang white lady rito sa tabi natin?" "Hala ka!" Napatalon na nga siya palayo sa kinauupuan niya. "Pasaway ka talaga!" saka angil niya sa bata. Napahagikgik ulit si Madel, pero totoo ang sinasabi nito. Nasa tabi nga nila 'yong white lady kanina. Napadaan lang. Ayun! Lumusot na sa pinto! Nang okay na si Jo-anne ay balik sila sa usapan nila. "Bakit gano'n, Ate?" naguguluhang tanong Madel. Nagulo niya ang sariling buhok. "Ay ewan ko ba!" saka aniya nai-stress na. Parehas lumupaypay ang balikat nila. At parehas naguguluhan. Bakit nga kaya? Dagdag na naman ito sa gumugulo sa kanila. Tsk!.............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD