"Anak, aalis ka?" Pansin ni Aling Juana kay Jo-anne. Bihis na bihis kasi ang dalaga. "Opo, Nay. May pupuntahan lang po ako saglit," sagot ni Jo-anne habang sinisipat-sipat ang hitsura niya sa malaki nilang salamin. May isang Linggo na ang nakalipas matapos siyang makalabas sa ospital. Awa ng Diyos okay naman na yata ang mga mata niya. Wala naman siyang nararamdaman na kakaiba. "Kaya mo ba? Eh, hindi mo pa kabisado ang lugar," may pa-aalalang saad ni Aling Juana. "Oo naman po, Nay. Nabulag lang po ako no'n pero hindi nagka-amnesia kaya kaya ko po ang sarili ko," nakatawang sabi niya. Tapos ay lumapit na siya sa Nanay niya at humalik sa pisngi. "Sigurado ka ba?" "Opo, Nay. Magtatanong-tanong na lang po ako." At humakbang na siya paalis. Sunod-tingin na lang sa kanya si Aling Juana. An