Ang bigat ng mga paa ni Jo-anne na lumabas sa malaking bahay ng mga Deloria. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa mga natuklasan. Ang saklap! Pa'no niya sasabihin kay Madel ang lahat nito? Siguradong masasaktan niya ang damdamin ng bata. Pero hindi naman pwede na ikaila niya sa bata ang totoong nangyari rito. Nagpapatulong nga sa kanya ang bata tapos maglilihim siya? Parang mali! Napabuntong-hininga siya ng malalim. Siguro ang dapat niyang isipin muna sa ngayon ay kung paano niya sasabihin kay Madel ang lahat. 'Yung hindi ito mabibigla. Pero paano nga kaya? Hirap naman nito! "Jo-anne, anong ginagawa mo rito?" Bigla ay nadinig niyang boses ni Jaycion sa likuran niya. Lumingon siya at nakita nga niya ang binata. Naka-uniform pa ito ng uniform nila malamang sa pawnshop kasi may lo