"Ma'am Martha, salamat pala rito. Siguradong matutuwa ang anak ko at ang kapatid ko dahil may dala akong ulam." "Wala yun, Shan." "Sige po, uuwi na po ko." "Ingat ka sa daan." Tumango ako sa kanya. Si Maam Martha, ang tumulong samin nung araw na walang-wala talaga kaming pera, sya din ang nagbayad sa panganganak ko sa ospital. Nakakahiya ngang tanggapin pero nagpumilit sya. Mayaman si Maam Martha, sya ang may ari ng Restaurant na pinagtatrabahuan ko bilang waitress. Ang mga anak nya, nasa abroad at may sarili na rin pamilya. Malaki ang utang na loob namin kay Maam Martha. Nakilala ko sya dahil kay Nes. Yung asawa kasi ni Nes, pamangkin ni Maam Martha. Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Vince sa V.U (Ventulan University). Ngayon ang simula ng klase. Hindi muna kami naka-uniform dahi