Graduate na sana ako ngayon at nagtatrabaho na kaso nga lang huminto ako sa pag aaral nung pinapanganak ko si Raven. Sa ngayon, incoming fourth year college na ko, samantala si Vince ay second year college. Konti nalang ay matatapos ko na ang kolehiyo ko. Konting tyaga nalang talaga.
"Ate, anong oras ka matatapos sa pag-aayos ng mga libro sa library? Para sabay na tayo umuwi."
"Hindi ko alam baka matagalan pa ako."
"Hihintayin kita."
"Pwede ka naman na mauna umuwi. Wala ka bang gagawin pagkatapos mo mag enroll?"
"Wala."
Nasa Ventulan University na kami. Last Enrollment na ngayon, pero itong kapatid ko, ngayon palang nag-e-enroll. Tamad sya pero pagdating sa trabaho nya ay hindi. Nauna na ko nag-enroll sakanya at kahapon lang iyon. Bumalik lang ako ngayon dahil may pinapa-ayos sakin sa library. Bawal ko na tanggihan yun dahil isa ako sa mga scholar dito, ganun din naman si Vince. Pareho kaming scholar dito.
Ang Ventulan University ay public pero ang mga studyante na nag aaral dito ay halo-halo, may mayayaman, mahirap o may kaya man. Maluwag ang University at maganda ang paaralan na ito, kaya laking pasasalamat ko na dito kami nag-aral ng kapatid ko.
"Sigurado ka ba na hihintayin mo ko?"
"Oo, pupuntahan kita sa building nyo." Lumapit sya sakin at may binulong.
"Aalis na ko ate, paparating na ang kaibigan mong bakla." Pagkatapos nya sabihin iyon ay umalis na sya.
Napaiiling nalang ako sa sinabi nya. Ayaw nya sa kaibigan ko, kasi daw bakla. Ewan ko sakanya, baka takot lang sya na gahasin sya ng kaibigan ko.
"Bakla! Bakit umalis agad ang kapatid mo? Gusto ko pa naman sya makausap." Napa-irap ako sa sinabi nya.
"Dahil sayo kaya umalis sya. Ayaw nya daw makakita ng pangit ngayon." Biro ko sakanya.
"Jusko! Sa mukha kong 'to, Pangit? FYI, maganda ako, ok? Palibhasa ka kasi, maganda at sexy parin. Hindi nga halata na may anak ka. Mukha ka pa rin dalaga. Hmp!" Naniniwala na ba ko sa sinabi nya?
"Jhoniel Martinez! Tumahimik ka nga baka may marinig sayo." Saway ko.
"Jhoniel Martinez? Eww. Ayoko talaga sa pangalan nyan. Diba sabi ko sayo, JEN ang tawagin mo sakin kapag tayo lang dalawa. Atsaka, walang namang tao na nakapaligid satin."
"Malay natin. Samahan mo na nga lang ako sa library."
Pareho kami ni Jhoniel na may tinatagong sikreto kaya nga naging kaibigan kami. Matagal ko na siyang kaibigan, simula nung nag-aral ako rito. Wala akong kaibigan na babae dito.
Walang nakaka-alam na bakla si Jhoniel, tanging kami lang ni Vince ang may alam. Ayaw nya na may ibang tao na maka-alam sa sikreto nya dahil siguradong papagalitan sya ng mga magulang nya lalo na ang papa nya na pulis pa naman.
Tanging si Jhoniel lang din ang nakakaalam dito sa skwelahan namin na may anak ako.
Sa university na ito, hindi sila tumatanggap na studyanteng may anak na. Kaya sa takot ko na mapa-alis sa paaralan na ito ay tinago ko ang totoo na may anak ako. Sa awa ng diyos, wala pa rin na nakakaalam, mabuti na yun. Malayo ang bahay namin dito sa university, mga 30mins ang byahe kaya sigurado na ligtas ang sikreto ko. Sana nga.
"Jen, nakapag-enroll ka na?" Habang inaayos ko sa paglalagay ng mga libro sa shelf.
"Oo, kanina lang."
Nakaupo lang sya habang may ginagawa sa phone nya. Hindi nya ko tinulungan dahil masisira lang daw ang beauty nya. Ansama! May iba din na scholar ay inutasan para maglinis. Malaki kaya ang library dito.
"Kasi naman, kahapon pa lang kami umuwi galing sa states. Kaloka!" habol na sabi nya.
"May pasalabong ka sakin?"
"Oo naman girl. Ikaw pa, kaibigan kita e. Atsaka, may pasalubong din ako kay baby Vince at baby Raven kaso nakalimutan kong dalhin. Sa pasukan ko nalang ibibigay." Ang yaman talaga ng baklang 'to.
"Yuck! Wag mo ngang ma-baby-baby si Vince. Matanda na yun." Basag ko sakanya.
"Sabihin mo, nadadamot ka lang sa kapatid mo. hmp!"
"Hindi ah! Wag ka ngang obsess masyado sa kapatid ko kaya ka nya iniiwasan."
Hindi nya ko sinagot. Busy sya sa phone nya, pero maya maya nagsalita sya.
"Girl, may iku-kwento pala ako sayo." Napakunot ang noo ko.
"Ano? chismis na naman?"
"Parang, Ganun na nga." Tinago nya ang phone sa bulsa nya.
"Nabalitaan ko kasi kahapon na dito na daw mag-aaral si Jeck. Gosh! Makikita ko ulit ang ka-gwapuhan nya pagkatapos ng mahabang panahon." Excited nyang sabi.
"Jeck?"
"Si RoJeck Yoo. Ang ibang studyante dito kilala sya pero may iba naman na hindi, katulad mo, hindi mo sya kilala. Sayang wala akong picture sakanya. Kilala syang mayaman, gwapo at habulin ng mga babae, kaso di ko alam kung anong ugali, pabago-bago e. Naging school mate ko sya nung high school." Kwento nya.
"Anong ibig mong sabihin na pabago-bago ang ugali?"
Sasagot na sana sya, pero may nagtext sa phone nya. Binasa nya ito.
"Naku, si daddy pinapauwi na ko."
"Edi umuwi kana baka pagalitan ka pa. Strikto pa naman yun."
"O sige, maiiwan na kita dito. Kita nalang tayo sa lunes. Bye."
"Bye din."
Pagka-alis nya ay tinuloy ko ang pag aayos. Marami pa kong aayusin na libro. Naalala ko tuloy ang pangalan na binanggit ni Jhoniel. RoJeck Yoo? Sino Sya?