AFTER FOUR YEARS •••
"VINCE! Gising na! Bumangon kana! Mag e-enroll ka pa! Bilis!"
"Ate, ayoko pa. Inaantok pa ko." Sabay takip ng unan sa mukha nya. Nasisilaw sya dahil binuksan ko ang bintana ng kwarto nya. Kinuha ko ang unan sa mukha nya.
"Ano ba, Vince! Tatayo ka o ako ang magpapatayo sayo!? Di kana bata kaya bangon na!"
"Ate naman eh!" Kita ko sakanya na napipilitan syang tumayo. Tamad!
"Bilis! Maligo kana para sabay na tayo pumunta sa University."
"Oo na" Kinuha nya ang tuwalya nya.
"Dalian mo!"
"Oo nga." Napipilitan pa nya na sagot.
"Good." Lumabas na ko ng kwarto nya at sumalubong sakin ang anak ko na lalaki na halatang bagong gising palang.
Raven Shion Gualez. Ang apat na taon gulang kong anak. Hindi ko sya kamukha, mata lang ang nakuha nya sakin. Sino pa ba ang kamukha nya? Edi sa Tatay nya na di ko alam. Crap!
"Gising na pala ang baby ko." Kinarga ko sya.
"Ma, wag mo ko tawag baby." Awts! Ayaw nya talaga na tawagin namin syang baby kasi daw big boy na sya katulad daw kay Tito Vince nya, tss.
"Pero, baby ka pa e."
"Ma, away kita kapag tawag mo ko ulit na baby." Ang cute nya magtampo.
"O sige, hindi na. Punta na tayo sa kusina para mag almusal tayo."
Pumunta kami sa kusina at pinaupo ko si Raven sa upuan nya. Maliit lang ang lamesa namin pero pwede na sa tatlong tao. Hinanda ko na ang mga pagkain.
"Raven, iiwan muna kita kay Tita Nes mo huh? Pupunta kami ni Tito Vince mo sa School namin. Ok lang ba sayo?" Paalam ko sakanya.
"Ok lang po."
Madalas namin iniiwan si Raven kay Nes sa tuwing may pasok kami ni Vince sa University o sa trabaho. Hindi maboboring si Raven sa bahay nila Nes dahil nakaka laro pa nya ang anak na lalaki ni Nes.
"Subuan na kita."
"Ayaw ko. Marunong ako, Ma." Napailing ako sa pagtanggi nya. Big boy na nga.
Tiningnan ko si Raven. Naisip ko lang, apat na taon na pala ang nakakalipas nung pinanganak ko sya. Nahirapan pa ko nun dahil ang dami namin kailangan gastusin, buti nalang may tumulong samin. Mahirap din pala magbuntis at manganak pero sulit nung naisilang ko si Raven at makita sya. Nawala ang hirap at pagod nang masilayan ko ang anak ko.
Naalala ko pa nun na nag-away kami ng kapatid ko dahil sa buntis ako pero nagkabati rin kami agad. Na ikwento ko sakanya ang lahat ng nangyare kaya nabuntis ako nung mga panahon na yun, at na-intindihan naman nya ko. Galit sya sa lalaking nakabuntis sakin, kahit ako galit din, pero matagal na yun. Alam ko na di ko naman sya makikita.
Hindi na kami nakatira sa apartment. Lumipat na kami. Ganun pa rin, nangungupahan kami kaso bahay na. Malapit din ang bahay ni Nes dito.
Napatigil ako sa pag iisip nang dumating ang kapatid ko.
"Ate! Konti nalang matutunaw na si Raven sa kakatitig mo sakanya" Umupo sya sa tabi ko.
"Paki mo, kumain ka na nga lang"
"Tito!"
"Oh, Raven. Good Morning. Gwapo natin ngayon noh?"
"Opo."
"Pero yung mama mo, parang di sang ayon na gwapo tayo." Ngumisi pa sya.
"Naku, Vince! Tigil-tigilan mo ko. Nang dahil sayo gumagaya ang anak ko ng mga bagay-bagay na walang kwenta." Hindi nya pinansin ang sinabi ko. Kumuha lang sya ng pagkain.
"Ma, gwapo kami ni tito. Diba?" Nalipat ang atensyon ko kay Raven.
"Anak, gwapo ka pero yung tito mo ay hindi. Ituloy mo na ang pagkain mo."
"Ate, kapatid mo ko, kaya alam ko na gwapo ako." Ngayon pinapansin nya ko. Kinurot ko sya sa magkabila nyang pisngi.
"Hindi ka gwapo, cute ka!" Pang-gigil ko na sabi. Bakit ang cute nya? Pero, ako hindi?
"A-aray! Bitawan mo ang pisngi ko! Masakit!" inda nya.
"Sabihin mo sakin, may girlfriend ka na ha? Ipakilala mo naman sakin." Tinanggal nya ang kamay ko sa pisngi nya. Sayang!
"Ano ba, Ate. Wala akong girlfriend. Kahit gwapo ako ay wala pa rin dahil kayo ang priority ko ni Raven" Habang minamasahe nya ang pisngi nya.
Napatahimik ako. Si Vince, sya na ang tumatayong tatay ni Raven. Ok lang naman sakin kung may girlfriend sya basta inu-una nya ang pag-aaral. Napabuntong hininga ako.
"Ate, kumain ka na. Pupunta pa tayo sa university diba?"
"Ah, oo nga pala."
"Ikaw, Raven. Pakabait ka kay ate Nes." Aniya ni Vince habang nakatingin sa anak ko.
"Opo tito."
"Good Boy."
Napangiti ako. Kahit kami lang ang tatlo, kuntento na ko. Masaya na ko.
Kahit marami akong problema na kailangan babayarin, masaya parin ako dahil nandyan silang dalawa.
Sana, sana nga wala ng ibang dumating na problema dahil ngayon palang ay masaya na ko.