Tama nga sinabi sakin ni Niel. Mukhang napapansin na ko ng ibang studyante dahil pinagtitinginan na nila ko. May iba rin naman na walang tumitingin sakin. Pero kahit na! May nakikita pa akong nagbubulungan kapag dadaan ako sa harap nila. Hindi ako sanay sa ganito. Ayoko lahat ng mga mata nila ay nakatingin sakin. Sanay ako na lahat ng studyante ay walang nakakapansin sakin. Kaya hanggang maaga pa, kailangan ko na iwasan si RoJeck para hindi na dumami ang tumitingin sakin at para di rin ako mapag usapan. Bigla ako napaatras sa paglalakad nang makita ko si RoJeck. Sheet! Tumalikod ako agad nung makita nya ko. Binilisan ko ang paglalakad at umakyat sa hagdanan papuntang 5th Floor. Bago pa man ako makaapak sa 5th Floor. May humawak na sa pulso ng kamay ko at hinila nya ko papuntang rooft