Matagal na ginagawa ng skwelahan namin ang pagpapalit ng studyante sa St. Maria Academy. Kailangan pumili ng skwelahan namin ng studyante para mag-aral sa SMA. Ganun din sa SMA, kailangan nila pumili para mag-aral dito pansamantala. Hanggang first sem lang naman ang palitan ng studyante. Matagal na ko nag-aaral dito sa Ventulan University, pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit ginagawa nila ang pagpapalit ng studyante sa SMA dahil siguro wala akong interesado na alamin ang tungkol doon. At isa pa, di ako napipili na mag-aral don. Ayaw ko rin naman na mapunta roon. "Nasaan ang mga kasama mo? Hindi mo ba kasama sila na pumunta dito?" Tanong ko kay Yves. Kanina pa kami nagkukwentuhan pero ngayon lang ako nagtanong. Akala ko sa unang subject ko lang sya magiging kaklase. Halos parehas