Chapter 11: Pamangkin

701 Words

Lumayo ako sakanya at tiningnan sya na mariin. Kung hindi ako lumayo sakanya, baka hindi na ko makahinga sa sobrang kaba kanina. "Ano ba ang pinagsasabi mo?" Lakas loob ko na tanong. "Sundin mo nalang kung ayaw mo na..." Di nya tinuloy na parang may bigla sya napagtanto. "Kung ayaw ko na? Ano?" Binibitin pa nya ko. "Wala." Tipid nyang sabi at tinalikuran ako. Mukhang aalis na sya. Atsaka, sino ba sya para sundin ko? "Teka lang!" Pigil ko sakanya. Huminto sya pero di sya lumingon sakin. "S-salamat." Pagkatapos nun, ay umalis na nga sya at iniwan ako mag isa rito. Kainis! Nagpasalamat na nga ko, pero di manlang nya ako nilingon. Ako dapat ang unang umalis. Napangiwi ako. Teka nga lang! Bakit ako maiinis? Paki ko ba kung iniwan nya ko rito? Makapunta na nga lang sa cafeteria dahil ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD