Pupunta na ako sa sunod kong subject na pinaka ayoko sa lahat ngayong taon. Bakit? Dahil sa subject na yun, kaklase ko si RoJeck. Psh! Hinatid na rin namin ni Vince si Raven kanina sa unang araw nyang klase. Ang saya saya nga pumasok si Raven sa skwelahan nila kanina. Si Nes nalang ang bahala sumundo kay Raven. Alam ko naman na mas mauuna ang labasan nila Raven kaysa samin kaya sa bahay nila Nes muna sya. Ok lang naman kay Nes na sya muna ang mag aalaga sa anak ko atsaka parang pangalawang nanay na ni Raven si Nes. Pumasok na ko sa Room at napa buntong hininga. Wala pa sya, buti nalang. Dumiretso ako sa upuan ko at umupo na. Gusto kong lumipat ng upuan, ayoko rito. "Carina!" Tawag ko sa kaklase ko na nasa harap ko lang nakaupo. "Shanaya, bakit?" Lingon nya sakin. "Palit tayo ng upuan.