DANIELLE “Haba ng hair mo kahapon beh!” natatawang sabi sakin ni Jobs habang nagpapahinga kami sa bonggang training na pinagawa samin ni coach. Napangiti naman ako sa sinabi nya dahil naalala ko yung surprise sakin ni Julie kahapon. Ang sinungaling ko naman kung sasabihin ko na hindi ako kinilig don. Yeah medyo corny pero sobrang hindi ko ineexpect na gagawin ng girlfriend ko yon. To think na nung una, ayaw pa nyang malaman ng iba na kaming dalawa na kasi nga, natatakot sya para sa career ko, pero hello, dahil sa ginawa nya kahapon, nalaman na yata ng lahat ng volleyball fans, or kahit hindi fan yung tungkol sa relasyon namin. “Hala sige, wag mo kong pansinin at ngumiti-ngiti ka jan na parang nababaliw sa pagrereminisce sa mga nangyari kahapon” naiiling na sabi ni Jobs at pagkatapos ay