JULIE “Hoy ang takaw mo naman, pangatlo mo na yan ah!” naiiling na sabi ko. Pano ba naman, nakakatatlong order na yata sya nung ice cream dito. At kung makakain si Ate, akala mo ilang taong hindi nakakain ng ice cream. “Masarap eh” parang batang sabi nito. “Mukha ngang sarap na sarap ka. Ayan o, may amos ka pa. Ang baboy mo kasing kumain.” Sabay abot ko ng tissue sa kanya. Akala ko aabutin nya yung tissue pero bigla syang nagsalita. “Ikaw nakakita diba? Eh di ikaw yung magpunas.” Agad ko naman syang tinaasan ng kilay. “Anong sabi mo?” “Bingi ka ba? Ang sabi ko, punasan mo” “At bakit ko naman gagawin yon?” “Dahil SLAVE kita” nakangiting sabi nya. “Slave mo mukha mo!” mataray na sabi ko sa kanya. “Bilis na, pinagtitinginan na ko ng mga tao, punasan mo na kase” parang batang sab