• LEIGH POV • Pag gising namin ay kumain na kami agad ng almusal, tulad ng dati nabugbog na naman ako, at dinamay pa niya si Szam, malala na ang papa namin kasi walang oras na hindi siya lasing, kahit pag gising niya alak agad ang bibilhin niya at syempre hihingi ng pera pambili sa akin! Hindi ko naman matanggihan dahil masasaktan lang kami. Paulit-ulit lang ang nangyayari sa buhay ko kapag andito kami sa bahay dahil hanggang ngayon hinahanap pa din niya sa akin ang mga papel ng bahay. Ilang buyer na din ang pumupunta dito pero tulad ng nauna ay tinataboy ko sila. At pag wala na sila, ayon bugbugan na naman ulit. Pagod na pagod na ang buong katawan ko, lamog na lamog na ito, kung makikita mo lang ito ay mandidiri ka sa itsura dahil puro pasa at sugat ang buong katawan ko lalo na sa li