• ETHAN POV • "Miss kukuha ako dalawa same color, puntahan ko lang yung kasama ko para ma explain niyo sa kanya." sabi ko sa sale's lady. "Sige po sir." lumabas na ako ng store nila at nag punta sa parking lot. "Leigh? Leigh." tawang ko dito, tinusok ko ang pisngi niya ng daliri ko, pero mahina lang para magising siya. "Bakit?" tanong niya agad sa akin. "Halika muna tignan mo yung gift ko." sabi ko dito. "Asan? tapos kana bumili?" tanong niya at nag tingin-tingin sa likod ko, hinahanap yata yung gift ko. "Wala pa sa akin, andoon pa, tara inaantay na tayo doon." bumaba na ako at sumunod naman siya sa akin. "Saglit." napahinto naman siya at kunot noong tumingin sa akin. "Ang gulo ng buhok mo." sabay ayos ko dito. "Para kang baby na bagong gising." sabi ko habang inaayos ang buhok n