bc

Dangerous Thirst

book_age18+
3.6K
FOLLOW
27.6K
READ
billionaire
second chance
friends to lovers
arrogant
dare to love and hate
CEO
sweet
bxg
city
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang ay may lihim nang pagtingin si Allyson sa kababata nitong si Joaquin.

Ganoon pa man ay malayo ang loob niya dito dahil sa likas itong suplado at madalas na tahimik. Ang tangi lamang kasundo n'ya ay ang kuya nitong si Harold.

Si Harold na parati niyang takbuhan kapag may problema kapag kailangan n'ya ng payo at kasama sa mga gimik at kalokohan. Halos magkarugtong na nga yata ang bituka nila dahil sa hindi sila mapaghiwalay na dalawa.

Kahit pa si Joaquin ang tinitibok ng pusoʼy parating si Harold ang gusto niyang makasama.

Ngunit labis siyang nasaktan nang malamang girlfriend na ni Joaquin ang isa mga kababata nilang si Pauline. Nalaman din ni Allyson na malaki din ang pagkagusto ni Harold kay Pauline.

Dahil labis na nasaktan ang puso ay gumawa siya ng planong paghiwalayin ang dalawa.

But her plans turned upside down when Harold confessed his feelings toward Allyson na buong akala n'ya ay kasama sa plano.

Hanggang ang mga biro ay tila nagiging totohanan na. Lalo paʼt nadadawit na pati ang kaniyang puso.

Paano n'ya pa ngayon itutuloy ang nasimulang plano kung pumasok na rin sa eksena si Harold at sinisira ang ang sistema n'ya lalo na pati ang tibok ng puso n'ya.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula Beach "Hi! My name is Allyson, and you are?" I smiled prettily at the girl who's playing at the sand. Tumingala ang batang babae sa akin na may hawak na shovel at pail of sand. Ngumuso ito at itinuloy muli ang ginagawa. Kumunot ang noo ko at humalukipkip nang tayo sa harapan nito. "Sabi ng mom ko, maging mabait daw ako sa ibang bata, diba bisita ka namin? Bakit ang sungit mo?" Nabigla ako nang bitiwan nito ang hawak na laruan at pinagpag ang kamay sa laylayan ng kaniyang bestidang suot. Tumayo ito at tumingin sa akin na walang kangiti-ngiti sa mga labi. "Ayoko naman talagang sumama sa reunion na 'to, si mommy at daddy lang ang mapilit. Saka I have a lot of friends in my neighborhood so why would I?" Tumaas na ang kilay ko dito, naningkit ang matang gumawi ng tingin sa bungalow house kung saan tanaw ko sila mommy na nagkakasiyahan habang may hawak na mic. She really loves to sing. I shook my head and turned to face her again with my friendly smile. "We can be friends too! Ikaw diba yung anak nila Uncle Jex at Auntie Sarah?" Tumango ito sa akin pero wala na sa akin ang pansin nito. Kundi sa mga batang lalaki na naglalaro din sa buhangin. Isa na doon si Joaquin, anak ng isa sa mga bestfriend nila mommy na si Auntie Sofia. Ngumuso ako at binalik ang pansin dito na ngayo’y bakas ang ngiti sa labi habang pinapanood si Joaquin. "Gusto mo ipakilala kita sa kanya?" Napawi ang ngiti nito at binawi ang tingin dito. "No, I know him already." Naglakad na ito at diretsong naglakad pabalik sa bungalow. Mas lalong nanulis ang nguso ko habang hinatid ito ng tanaw. Ngunit bigla akong napa-aray nang tumama sa ulo ko ang bolang nilalaro nila Joaquin. "Oops, sorry!!" sigaw ng mga ito sa akin. Matalim akong tumingin sa grupo ng mga ito at Isa lang ang itinuturo nilang may sala at iyon ay walang iba kundi si Joaquin. I want to cry like what kids always do. Pero hindi ganoon karupok ang puso ko para gawin iyon. I'm now ten years old girl, saka ayokong pagtawanan nila Joaquin kaya dinampot ko ang bola ng mga ito at sinipa iyon dahilan para mapunta ito sa tubig. "Asar, panira talaga 'tong si Allyson!" Narinig kong maktol ni Joaquin. Tatawa tawa akong bumalik sa bungalow kung saan mukhang nagkakasiyahan na ang lahat. Si Auntie Sofia na ngayon ang may hawak ng mic. Tahimik akong naglakad papasok sana sa loob ngunit tinawag ako ni Mommy Sarena. "Halika muna dito, nakilala mo na ba si Pauline?" Gumawi ang tingin ko kay Pauline na ngayon ay may hawak na iPod. "Yeah.." Iyon lang tangi kong naisagot. "Good, then why don't you introduce her to your friends, to Joaquin?" ani Auntie Sofiah na sa mic pa mismo nagsalita. "Kilala na n'ya daw po si Joaquin." Agad na sumilay ang ngiti sa tatlong magkakaibigan. Kaya umiling na lang ako't dumiretso na sa loob para magpalit ng damit. Maliligo ako sa pool kung saan makakapagbabad ako ng maayos dahil walang istorbo. Isa pa takot ako sa alon dahil hindi ako masyadong bihasa lumangoy. Pero ang inaakala kong tahimik na pagligo ay napalitan ng inis nang mamataan doon ang grupo nila Joaquin. Pansin kong siniko ni Rudolph si Joaquin at nginuso ako na siyang papalapit sa 4ft na lalim ng swimming pool. "Allyson dito ka sa 5ft!" sigaw sa akin ni Harold isa pang kababata namin anak din ito ni Auntie Sofia na kapatid din ni Joaquin. "No, thanks!" matabang kong sinabi at tumalon na sa 4ft na swimming pool. Mag-isa lamang ako sa banda na ito samantalang sila ay nagsisilangoy sa 5ft at 6ft na lalim ng tubig. Ngumuso ako at tumalikod sa mga ito. I hate myself for not having a long legs and standard height. Mukhang namana ko yata ang height ni Mommy Sarena at wala man lang akong nakuha kay daddy. "Why don't you join them? Hindi mo ba sila gustong kalaro?" Tumingala ako kay Pauline na ngayo'y nakasuot na ng swimsuit. Sa edad na 11 ay halata mo nang may itatangkad pa ito at tiyak na gaganda pa ang hubog ng katawan. May alon din itong buhok na hindi tulad ng sa akin na diretso at walang buhay. Pati ang mga labi at pisngi'y mapupula dahil sadyang maputi ito. "Uy si Pauline!" Narinig kong sigaw ng mga kalalakihan sa kabilang pool. "Wanna join me?" I asked instead and give her a smile. Tumuwid naman ang tingin nito sa grupo nila Harold na siyang itong tinatawag. "I'll better be joining them. Hindi kasi ako mag-e-enjoy sa mababaw," aniya at diretso nang naglakad sa gawi nila. Bagsak ang panga kong sinusundan lamang ito ng tingin na akala mo'y nagpa-fashion show kung maglakad. Malayo sa batang naglalaro ng buhangin kanina doon sa dalampasigan. Muli akong ngumuso at hinila ang salbabida na hugis donut at ipinasok iyon sa aking katawan. Lumangoy ako ng tahimik kahit pa rinig ko sa kabilang pool ang ingay at tili ni Pauline. "Allyson join ka na sa amin!" Muli akong inaya ni Harold. Sinulyapan ko ang mga ito at ganoon na lang nanlaki ang mata ko nang pasan na ni Joaquin si Pauline sa kaniyang dalawang balikat. "Let's play games, laban kayo ni Pauline!" Bumaba ang tingin ko kay Joaquin na halos mapunit ang labi kakangisi. Hawak nito sa dalawang hita si Pauline habang ang huli ay nasa kaniyang ulo. "No way!" I shout. "Kill joy mo naman Ally, daig kapa ni Pauline oh? Ang friendly sa amin!" sigaw ni Rudolph, ang aking pinsan. "Sige na, ako ang magbubuhat saiyo!" si Harold ulit. Gumawi muli ang tingin ko kay Pauline na sa akin na rin nakatingin at hinihintay ang aking magiging sagot. Until my eyes drop down to Joaquin. He look so serious and cold while staring hard at me. Parang biglang nawala ang saya sa mukha nito matapos marinig ang sinabi ni Harold. Sabagay, wala naman masama kung maki-join ako sa kanila saka, maano ba yung 5ft? Umahon ako't tumatakbo palapit sa kabilang pool. Inalalalyan naman ako ni Harold para isampa ang aking dalawang hita sa kaniyang balikat. "Simple lang ang game natin, magbubuno kayo ni Pauline ang unang bumagsak sa pool siya ang talo," ani Rudolph. Tumiim ang aking labi nang maramdaman kong hinawakan ni Harold ang aking bewang at walang kahirap-hirap akong inayos ng upo. Halatang madali lang sa kanya na gawin iyon dahil nasa kinse anyos na ito samantalang ako'y sampung taon pa lang, while Joaquin is 14 years old. "Okay, sa hudyat ko magsisimula ang laban!" "Okay!" sigaw ko. Lumapit kami sa banda nila Joaquin kung saan tiyak kong nasa 6ft na taas ng tubig. Hindi ko napigilang lumunok dahil sa bumangong kaba. "Ready?!" Naghawak kamay kami ni Pauline na halos kapantay ko na lang dahil sa tangkad ni Harold. "Good luck!" ani Pauline na ngumisi sa akin. "Game!" Nabigla ako dahil malakas niya akong tinulak, mabuti'y naka-alalay sa akin si Harold kaya hindi kami agad napabagsak. Malakas ang sigaw ng lahat at pati si Harold at Joaquin ay nagche-cheer sa laban namin. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Pauline at buong lakas itong tinulak ngunit wala man lamang epekto dito ang aking ginawa. "Is that all you can do, farm girl?" she smirked. Natigilan ako at hindi agad nakapag-react dahil sa kaniyang sinabi. Doon ito nakakuha ng pagkakataon. Binaklas nito ang kamay sa akin at tinulak ako ng malakas sa dibdib. Kahit hawak pa ako ni Harold ay hindi ko mapigilang tumihaya pabagsak ng tubig. Agad akong kumawag sa ilalim dahil sa matinding kaba. "Allyson!" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Hanggang sa may mga kamay na yumakap sa akin at mabilis akong inahon mula sa tubig. Yumakap ako ng mahigpit sa leeg nito dahil hindi ko maabot ang tile floor. "Are you okay?" A breathy voice of Joaquin roared me back to life. Sinalubong ko ang mga titig nito na siyang mabilis na binawi. "Woooh! Congrats Pauline!" sigaw nilang lahat. Buhat ito ngayon ni Harold sa balikat habang hawak sa dalawang kamay. Dinala ako ni Joaquin sa may hagdanan para doon maupo. Tinanaw ko pa si Pauline na siyang pinapalakpakan ng lahat. "Tss, sisiw! Natalo ka ng dayo," aniya bago ako talikuran. Nakigulo na rin ito sakanila na siyang binuhat pa mismo si Pauline mula kay Harold para itaas sa tubig. Lumunok ako't pinilit ngumiti sa lahat. She win a good fight. Pero hindi ko akalain na hanggang sa paglaki namin ay dala pa rin ni Pauline ang laban na iyon. She always win, because she can.. kahit maging ang puso ni Joaquin ay nakuha niya..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook