Kabanata 1

2205 Words
Kabanata 1 So close "Tingnan mo nga naman iyang si Pauline, talagang napakahusay na doktor at ngayon ay na-featured pa sa telebisyon!" Narinig ko ang boses ni Mommy Sarena sa aking tabi. Nakaharap ako ngayon sa aking laptop habang nakataas ang dalawang paa sa coffee table. "Kailan ba magpapakasal ang dalawang iyan? Aba'y hindi na pa-bata si Joaquin at Pauline," ani Daddy Alex. Kumibot ang aking labi matapos ay inayos ang suot na salamin. Sa totoo lang ay sawa na akong naririnig ang mga iyan, lalo na at bukang-bibig nila palagi si Pauline. Pauline grown beautifully, strong minded and smart girl. She also have a lot of skills, experience and have fiercely passionate of being a doctor. Walang kapintasan, walang bad traits at higit sa lahat walang pwedeng makatalo. Ganyan siya i-describe ng mga taong nakakakilala sa kanya, maging ng mga taong sa unang kita pa lang ay tila nagayuma na n'ya. I don't even remembered na natalo ko siya sa lahat ng bagay. Kahit pa ultimo sa pagkain ng exotic foods ay keri niya kahit pa laking America ito. Isinarado ko ang aking laptop at tumayo na. "Goodnight mom, dad. Maaga pa po ako sa trabaho bukas." Dinampian ko sila pareho ng halik sa pisngi. "Oh? Linggo bukas ah, may pasok ka sa opisina?" Si dad. "Actually, may lakad ako, magkikita kami ni Kuya Harold, tama si Kuya Harold." Mariin kong kinagat ang aking labi matapos ko iyon sabihin. You are not good at lying, Allyson. "Nanliligaw naba saiyo si Harold?" Tila kuminang ang mga mata ni mommy sa narinig mula sa akin. I just rolled my eyes, hinubad ang salamin tapos ay tamad iyong hinipan. "Hindi ho, we're just friends, saka kakain lang kami sa labas kasama sila Rudolph." "Kung ganon ay imbitahan mo sila dito bukas para maghapunan, don't forget to invite Joaquin, huh?" Tumaas ang kilay sa akin ni mommy. Mabilis kong ibinalik ang salamin sa aking mata at tumalikod na sa mga ito. Tamad akong umakyat sa hagdahan at panay ang mura habang papasok sa aking silid. "Damn it! Bakit ba kailangan kasama pa siya sa mga iimbitahan? Hindi kami close, noh!" Pabalang kong hiniga ang likod sa malambot na kama at pumikit. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakaklimutan ang araw na iyon... Ang araw na tumalikod ito sa akin para batiin si Pauline sa unang panalo niya laban sa akin. Hindi ko rin makakalimutan ang pambabalewala nito sa akin, lalo na pag nand'yan si Pauline. We're actually had the same school back then and Pauline and I are in the same cheering squad team. Ako ang napiling flyer dahil sa hindi pa ako katangkaran ng mga panahong iyon. Halos kabisado ko na nga ang mga exhibition kapag nasa ere at ang step ng cheer dance. Ngunit last minute nang sabihin sa akin ng cheer leader at mentor namin na hindi na raw ako ang gagawa noon kundi si Pauline dahil mas hataw at mas magaling itong umikot sa ere at magaan dahil sa balingkinitan nitong katawan. I invited mom and dad para sana panoorin akong mag-cheer-dance pero tulad ng dati. Si Pauline na naman ang bida. Siya rin ang puring puri nila Harold at ang ilan kong mga pinsan nang matapos kaming mag perform. "Akala ko ba ikaw ang flyer?" Nilingon ko si Joaquin na nakapalmusa nang tayo sa aking harapan. "Ha? Ah-ano kasi.." Halos mamula ang dalawang pisngi ko sa hiya, idagdag mo pa ang ngisi nito sa akin. "Sisiw.." Umiling ito sa akin bago ako talikuran. Doon ko lamang napansin na sa direksyon ito ni Pauline patungo at laking gulat ko nang salubungin ito ng mahigpit na yakap ni Pauline. That was the first time I felt something strange in my heart. I feel pain and sadness. Inggit na inggit ako kay Pauline noon. Kung pwede lang ay gawin ko rin ang mga nagagawa n'ya, pero alam kong hindi ako ganon at dahil iba ang mga hilig ko. Pero bakit parating pati ang hilig ko ay dapat hilig din niya? Pati sa mga bagong trend na damit ay sinisiguro n'yang meron din siya ng katulad ng sa akin. And she claimed that she bought it first before me. Ako lamang daw ang gumaya sa kanya. Sinubukan kong sakyan din ang mga hilig niya maging sa pananamit at ayos pero hindi ko masikmura ang masuot ng crop top na damit at labas ang pisngi ng dibdib, maging magsuot ng maiikling shorts. Kabi-kabila rin ang mga suitors nito na siya niyang sabay-sabay na ini-entertain. Hindi tulad ko na mabibilang mo lang sa kaliwang kamay ang naglakas ng loob na manligaw. "Mom, aalis na ho ako!" Nagmamadali akong sumakay sa aking kotse at diretso sa bahay nila Rudolph. Doon kami makikita-kita at sabay na aalis para mag-lunch. Naka close kasi ito ng deal mula sa isang investor. "Nandito na pala si Ally!" Si Rudolph na hawak ang kaniyang cell phone habang may kung anong kinakalikot doon. "Good morning!" Sinulyapan ko ang mga itong nakaupo sa couch na may kanya kanyang hawak rin na cell phone. Isa na doon si Fiona na aking pinsang buo kapatid ni Rudolph at si Macky isa rin sa mga pinsan ko. Naroon na rin si Kuya Harold na kalalabas lamang mula sa kusina kasunod si Frank ang isa sa mga anak din ng best friend nila mom na si Tita Antoniette. "Good morning, Ally!" Kaway sa akin ni Fiona. Naglakad ako palapit dito at ginawaran ito ng halik sa pisngi at ang iba at sa huli ay si Kuya Harold. "Saan, tayo ngayon?" tanong ko habang inaabot dito ang bitbit kong shoulder bag. "Sa dati tayo, nauna na doon sila Joaquin at si Doc!" sagot ni Rudolph. Pansin kong sumulyap sa akin si Harold kaya nagkibit-balikat na lamang ako. Matagal-tagal na rin mula nang magkita kami ni Joaquin. Siguro pagkatapos kong grumaduate sa kursong engineering ay hindi na muli ito nagpakita sa grupo. Kalaunan ay nalaman ko na lang na sila na pala ni Pauline. "Mukhang nagpaganda ka ngayong araw ah?" bulong sa akin ni Kuya Harold nang akbayan ako palabas ng bahay. Tumaas ang kilay ko't bahagyang ngumiti dito. "May bago ba sa akin? Saan parte?" natatawa kong bigkas. "You don't know how gorgeous you are, Allyson. Bakit hindi mo na lang tanggapin ang papuri ko?" Kinurot na nito ang pisngi ko. "Ouch!" "You're so cute, tiyak na magiging exciting ang araw na ito," aniya bago ako bitiwan. Sumimangot naman ako dito. Ano naman exciting doon? Dahil ba makikita n'ya si Pauline? Hindi naman lingid sa akin na malakas ang tama nito kay Pauline noon pa man, ako lang yata ang nakakaalam sa grupo ng sikreto niyang iyon. Ngunit kahit pa alam ko, hindi ko sasabihin dahil hindi si Pauline ang babae na gusto ko para kay Kuya Harold. "Let's go!" sigaw ni Rudolph at sumakay na sa kaniyang BMW na kotse. Kasama nito doon ang kapatid na si Fiona at si Macky. Samantalang si Frank naman ay dinala ang kotse ni Kuya Harold dahil siya daw ang mag da-drive sa akin sakay ng aking kotse. "Hindi mo na sana dinala ang kotse mo kung hindi mo gagamitin," sabi ko habang nagsusuot ng seatbelt. "Ayoko ngang makisakay kay Joaquin mamaya pag-uwi." Nakanguso niyang sinabi. Umiiling lang ako dito at umayos na nang upo. "Kamusta ang trabaho? Balita ko may bago kang project?" tanong nito habang minamaniobra ang sasakyan. "Yeah, it's just a commercial building. Malapit na rin matapos 'yon," tamad kong sagot. "Alteast, hindi ka nababakante. Balita ko may bago ring project si Joaquin sa Cebu." Hindi ako umimik at mas tinuon ang pansin sa labas ng bintana. "Come on, Ally, hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo nagkakasundo ng mokong na 'yon? Ilang taon na 'yang alitan n'yo, ah?" Bumaling ako dito na bakas ang pagkamangha sa sinabi. "Alitan? Saan mo naman nasagap 'yan? We're not even close, kailangan pabang bigyan ng issue 'yon?" "Hindi na ako magtataka kung tumanda kang dalaga. Halos lahat na lang ng lalaking nakapaligid saiyo ay sinusungitan mo, even me..." He point out. I blew out a breath, ito na naman po kami. Kailangan ba nila maiintidihan na wala naman talagang gustong manligaw sa akin at pulos palipad hangin lang. Isa pa, wala pa sa utak ko 'yang pagbo-boyfriend. Saka bakit ba palagi na lang nauuwi ang usapan sa loveless kong life ang usapan? "So what? Hindi naman mauubos ang lalaki sa mundo. Saka mas gusto ko yung marami pa akong time para sa sarili ko. I want to travel the world and build my very own dream house." "Sus, ilang beses ko na 'yan narinig saiyo." natatawa nitong sinabi. "Kunyari kapa e, ikaw? bakit wala kapang jowa? Siguro hinihintay mong maging single ulit si-" "Shut up..." Putol nito. Tinikom ko naman ang bibig ko dahil sumeryoso na ang mukha niya. See? kapag siya na ang inaasar madaling mapikon. Binalik ko na lang ulit ang pansin sa labas ng bintana. Isang kanto na lang ay malapit na kami sa restaurant na pagmamay-ari ni Rudolph. Dito kami madalas mag-dinner at mag celebrate kung may okasyon man sa barkada. Dito na nga yata ang hang-out ng barkada dahil sobrang relaxing at not over crowded ang lugar. Isa pa pinasadya niya ang lugar sa second floor para lang sa amin. "Ano ba 'yang suot mo?" Pukaw nito sa akin matapos ang ilang sandaling katahimikan. "Huh?" Bumaba ang tingin ko sa suot na hanggang tuhod na paldang maong at polo shirt na tinupi ko ang manggas hanggang siko. Nakalugay ngayon ang buhok kong wavy, yes, ilang taon na rin mula nang magpakulot ako dahil pansin kong lagi nang naka-rebond ang buhok ni Pauline. "Tsk.. hayaan mo na nga!" aniya bago iliko ang sasakyan sa kanto. Mabilis ko namang inayos ang sarili at bahagyang sinuklay ng daliri ang buhok. I even look at my face at my compact mirror at sandaling nagpahid ng strawberry peach lip gloss. "Nag lipstick kaba?" tanong nito matapos patayin ang makina ng sasakyan. "Ito ba? no, lip gloss lang ito." Sadya naman kasi na kulay rosas ang aking labi kaya no need to put on a lipstick para lumabas ang ganda. Natutunan ko iyon kay Auntie Sofia ang mommy nila Kuya Harold. Sinubukan ko kasi noon na mag-apply ng mapulang lipstick ngunit pinagbawalan n'ya ako. "Mas maganda kung lalabas ang natural na ganda ng labi mo, saka bata ka pa naman. Mas bagay saiyo ang lip gloss lang muna," aniya sa akin. Simula noon ay nakasanayan ko nang magpahid ng lip gloss. Kontento naman ako sa itsura ko, hindi ko lang alam kung bakit big deal sa kanila kapag nakita nilang may ipinapahid ako na kung ano sa mukha ko. "Great, you look innocently hot with your pamatay lips, stay simple as you as you are, baby girl!" Pambubuska nito. Doon ko na sinuntok ang braso nito bago ko buksan ang pinto ng aking kotse. Bahagya pa akong dumungaw dito mula sa labas at pinandilatan ito ng mata. Nauna na akong naglakad ngunit mabilis itong nakasunod sa akin at inakbayan pa ako. "Wow, ang hot ng kapatid ko oh?" Tumingala ito sa second floor ng restaurant na siya kong sinundan. Tama siya naroon nga si Joaquin nakayukod sa may railings habang hawak sa kamay ang baso ng alak. Ito lamang ang naroon habang nakatanaw sa amin na bumaba mula sa kani-kaniyang mga sasakyan. My heart thumping so hard that I could even breathe properly. He looks so hot and handsome today. Mas lalong nadepina ang mga masel nito sa katawan. Ibang style na rin meron ang buhok nito na medyo kulot ang bangs na mas bumagay sa matalim niyang mga mata. "Oh, ang laway," bulong nitong muli kaya siniko ko na ito sa sikmura ng malakas kaya alumpihit na ito habang naka-akbay sa akin. "Napaka-sadista mo!" Reklamo niya. “Bagay lang saiyo, ‘yan!" Irap ko. Umakyat na kami sa itaas at sinalubong ni Joe ang girlfriend naman ni Rudolph. "Ayos ah, mukhang kumpleto ang grupo? Where's Pauline?" Iyon agad ang bungad ni Kuya Harold. "Nasa CR lang, tara nakahain na ang pagkain. Tiyak na mabubusog kayo sa dami ng pinahanda ni Rudolph," ani Joe. "Joaquin, long time no see pre, saan kaba nagsusuot? Mukhang balak mong magpa-yaman, ah?" Si Frank ang tumawag dito mula sa may veranda. Pinili kong maupo na sa tabi ni Kuya Harold na siya naman akong pinaglagay ng pagkain sa plato. "Hindi naman pre, kamusta kayo?" anito sa baritonong boses. Tinikom ko ang aking mga labi nang maupo ito sa mismong tapat ko. Yuko ang mga ulong sinimulan ko nang kumain kahit pa panay ang kumustahan ng lahat. "Balita namin made-distino ka raw sa Cebu? Mukhang bigatin ang kliyente mo. Invite mo naman kami para makapag bakasyon," ani Macky. "Sure, walang problema, basta sabihin n'yo lang ako kung kailan kayo pupunta." sagot nito. "Sama ka, Ally, tutal matatapos na rin naman ang project mo dito, diba?" si Kuya Harold na siniko ako sa tabi. "Basta ba, kasama ka..." Ngumisi ako dito saka tinapakan nang mariin ang sapatos nito sa ilalim ng lamesa. Ngumuwi ito sa akin ngunit mas bakas ang malawak na ngisi sa labi. "Ayos, ang problema na lang natin ay si Pauline..." "Mukhang narinig ko ang pangalan ko ah?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD