Sabay-sabay kaming lumingon sa parating na si Pauline, wearing her pink colored coat underneath her white top and black slack pants. Pamatay rin ang suot nitong pointed shoes at shoulder bag na kulay itim din.
"Wow! Ibang klase ka talaga dok!" Si Frank na pumapalakpak pa habang hinihintay itong makalapit.
"I heard my name, anong ang tungkol sa akin?" Naupo ito sa tabi ni Joaquin at bumaling ng tingin kay Kuya Harold.
"Ha? Ah–ano, balak sana namin magbakasyon sa Cebu."
Tumaas ang kilay nito nang bumaling sa akin matapos ay bahagyang ngumiti.
"Sige, pwede naman akong mag-leave ng ilang araw."
"Yown!" Halos pumalakpak ang tenga ng lahat dahil na naging sagot niya.
"Oh, Joaquin, ihanda mo na ang tutuluyan namin sa makalawa. Lilinisin ko muna ang schedule ko para walang maging problema," ani Macky.
"Basta kami ni love, walang problema." Si Joe na katabi na ngayon ang pinsan kong si Rudolph.
"Good, so can we start our food? May kailangan pa akong operahan ngayong araw." Putol dito ni Pauline.
Itinuloy na nga namin ang pagkain, ngunit hindi maiwasang maging maingay at makulit ng mga kasama ko. Puro tukso din ang inabot nila Joaquin at Pauline dahil sa balitang engaged na raw ang dalawa base sa suot na singsing ni Pauline.
"Aminin n'yo na kasi, tayo-tayo lang naman ang nakakaalam." Pangungulit ni Rudolph.
"We enjoying each others company. Wala pa sa plano namin 'yan." sagot ni Joaquin.
Tumaas ang tingin ko dito, ngunit nasa pagkain ang pansin nito.
"Tiyak na kayo naman ang makakaalam kung sakaling mag-propose na sa akin si Joaquin." Pulang pula ngayon ang mukha ni Pauline dahil sa panunukso nila Frank at Rudolph.
Saglit kong sinulyapan si Kuya Harold na nakasandal sa kaniyang silya at tahimik na nilalaro ang pasta sa kaniyang plato.
Siniko ko ito kaya mabilis itong umayos ng upo at nagtanggal ng bikig sa lalamunan.
"Ikaw, Allyson, may boyfriend ka naba?"
Mabilis umangat ang tingin ko kay Joaquin na siyang titig na titig sa akin. His eyes were so dark and vicious. Gayon pa man kung masasabi ako ng kasinungalingan ay tiyak kong hindi niya ito paniniwalaan.
"Um.. there's so many fish in the sea. Hindi ako mauubosan," I casually say and looked away.
"Simple lang ang tanong ko. Pero hindi mo masagot ng maayos," he said in a more serious tone.
"You're still single, aren't you? My God, Allyson. Ilan taon ka naba?" Si Pauline na malawak ang ngisi sa akin.
"Hindi naman ako nagmamadali, I'm enjoying myself alone, hindi naman basehan ng pagiging masaya kung may karelasyon ka." diretso kong sinambit dito.
"Pang Miss. U ang sagot ng manok ko ah?" Mabilis na ginulo ni Kuya Harold ang buhok ko.
"Kuya ano ba?!" Pagmamaktol ko habang hindi ako nilulubayan.
"Still you're not as happy as I am right now?" Hindi nanaman ito nagpatalo sa kaniyang sinabi.
"Yeah, I think.." Sunod-sunod akong tumango dito.
Hindi ko na muli pang sinulyapan si Joaquin na alam kong hindi inaalis ang titig sa akin.
Nang matapos kaming mananghalian ay hindi muna kami umalis. Si Joaquin ay tumulak para ihatid si Pauline sa ospital at hindi namin alam kung babalik pa ito o, baka hindi.
"Sa bahay na kayo mag-dinner naghanda si mom para sainyo," sabi ko habang pinapanood ang mga itong mag billiards.
"Ayos, matitikman ko nanaman ang specialty ni auntie!" si Frank na siyang sumasargo ng bola.
"Hindi kami pwede may lakad kami ni Joe ngayong gabi," sabi ni Rudolph na nakaupo sa isang stole habang nakasandig dito ang nobyang si Joe.
Tumango ako sa mga ito at nilabas mula sa shoulder bag ang aking laptop. Balak ko nang taposin ang ipe-present kong new building project para sa kliyente. Dahil bago palang sa larangang ito ay gusto kong pulido at magpakitang gilas sa mga kliyente.
"Hanggang dito trabaho pa rin ang inaatupag mo? Why don't you enjoy the rest of the day?" Tumabi sa akin si Kuya Harold. Inayos ko naman ang suot kong salamin at sinimulan buksan ang laptop.
"Kailangan e, para sa bagong project. Medyo nag-aalangan ako sa kondisyon ng lupa baka magkaproblema kami pag bumuhos ang malakas na ulan dahil malapit sa ilog." sagot ko.
"Wala naman akong maintidihan d'yan. Ang mabuti pa si Joaquin ang tanongin mo tungkol d'yan! Joaquin halika ka nga dito!" Malakas nitong tawag kay Joaquin na parating.
Buong akala ko'y hindi na ito babalik pa ngunit heto't papalapit nga sa amin.
"Ano ba kuya!" Hinampas ko ang balikat nito na natatawa lang sa akin.
"Bakit ano 'yon?"
"Ito kasing si Allyson may kaonting problema sa trabaho."
Bahagya itong yumuko mula sa aking likuran para tingnan ang construction building na ginagawa ko sa laptop.
"Ah, naku wala naman masyadong problema, tungkol lang naman sa soil footing." Natataranta kong sagot.
"Did your team do investigate the soil condition?" anito na bahagya pang yumuko at huli'y pinatong palad sa aking kamay para galawin ang mouse na hawak ko.
Hindi ko mapigilang mapasinghap nang dumampi ang kamay niya sa akin kaya mabilis ko iyon hinila.
"Ngayong linggo palang bibisita ang team ko para tingnan ang kalidad ng mga lupa."
"Better do a lot of survey para hindi ka magka problema in the near future. Sa tingin ko maganda naman ang lupa sa parteng ito?"
Ginalaw nito ang mouse kaya bahagyang tumama ang braso nito sa akin.
"Ilang construction building na rin pala ang tinatayo dito." dagdag pa niya.
Pumikit ako ng mariin dahil sa mainit nitong hininga na tumatama sa aking leeg.
"When it comes to the Ideal soil type for foundation, loam may be the best option. Pero kung clay 'yan okay na rin kesa sa sand, right?" Sumulyap ito sa akin na halos ilang pulgada lamang ang layo.
Pansin kong bumaba ang tingin nito sa naka-awang kong labi at doon nagtagal. Kung hindi ko pa narinig na umubo si Kuya Harold ay hindi ako kukurap.
"Yeah, of course! Thanks anyway!" Mabilis ko nang isinarado ang laptop at huminga ng malalim.
Dahan-dahan na rin itong lumayo at bumaling naman sa mga naglalaro ng billiards.
Doon lamang ako nakahinga ng maluwag at ibinalik sa bag ang aking laptop.
Tumabi naman sa akin si Kuya Harold habang bakas ang maluwang na ngiti sa labi, "Sa huli talaga umaatake ang lawin kapag walang bantay?" ani Kuya Harold sa akin na hindi ko na binigyan pa ng pansin.
Hindi ko mapigilang titigan ito na siyang inagaw mula kay Macky ang billiard stick..
Maingay ang grupo habang papasok kami sa bahay. Tanging sila Rudolph at Joe lamang ang hindi namin kasama.
"Mabuti at nandirito na kayo, tamang tama at luto na ang dinner." Si dad ang sumalalubong sa akin at inakbayan agad si Kuya Harold papasok sa loob.
"Good evening, tito." Sabay-sabay nilang bati.
"Joaquin, hijo!"
Maluwang ang ngiti ni mommy nang lumabas ito mula sa kusina. Mahigpit niya itong sinalubong ng yakap
"Magandang gabi ho, Auntie Sarena." Joaquin said to mom.
"Aba, ang gwapo naman ng anak kong ito." Walang pag-aalinlangan niyang hinaplos ang pisngi nito’t kinurot pa.
I shook my head. Hindi na bago sa akin ang eksenangaj iyon. Mom really loves Joaquin. Espesyal niya ito kung ituring kesa sa ibang anak ng mga bestfriend niya.
Diretso na akong umakyat sa aking silid para sandaling maligo at magbihis bago bumaba. Sigurado kasi ako na mahaba-habang kwentuhan nanaman ang mangyayari sa hapag nito.
Suot ang terno kong pajama ay bumaba na ako habang kinukusot ng tuwalya ang basang buhok.
Maingay sa hapag halos puro barako kasi ang naroon at malalaki pa ang boses gaya ni Kuya Harold na mukhang bumabangka.
"Ally, dito ka na maupo sa tabi ni Joaquin."
Kunot noo kong sinipat ng tingin si mom na malawak ang ngisi sa akin. Hindi naman lingid sa akin na gusto n'ya akong i-build-up kay Joaquin habang si dad naman ay kay Kuya Harold ako binubuyo.
Umiling lamang ako dito at naglakad palapit sa aking silya na katabi si Kuya Harold.
"I’m fine at my seat mom." nakanguso kong sagot dito. Doon ko naramdaman na siniko ako ni Kuya Harold kaya tumingala ako dito.
"Babe, magsuklay ka naman.. nakakahiya kay crush," bulong nito na malawak ang ngisi sa akin.
Mabilis kong pinasadahan ng laway ang lalamunan bago tumawid ang pansin kay Joaquin na nasa mismong harapan ko. Mabilis umawang ang labi ko nang mapansin titig na titig ito sa akin.
Kagat labi akong umiwas ng tingin. Huli na para tumayo at suklain ang buhok kong basa. Saka ano naman kung wala pa akong suklay? Ano ka Allyson? Nagpapa-cute? Pwede ba may girlfriend na yung tao!
Tahimik at marahan kong ginalaw ang pagkain ko kahit pa kanina ko pa gustong magkamay.
Ang sarap naman kasi ng luto ni mommy na paella, friend chicken at daing na bangus. Hindi lang iyon may alimango at sugpo din sa lamesa at ang pamatay nitong sawsawan.
"Ganyan kaba kumain ng alimango?" Puna sa akin ni Kuya Harold habang pilit ko itong ginagamitan ng tinidor at kutsara para buksan.
Napalunok ako’t lihim na sumulyap kay Joaquin habang kausap si mommy.
Tinapakan ko ang sapatos ni Kuya Harold at pinandilatan ito ng mata.
"Ipagbukas mo kaya ako?" Pilit na ngiti sa aking labi habang binibigyan ito ng matalim na titig.
"Of course babe," aniya sa akin.
Umiiling na itinuloy ko nalang ang pagkain. Walang kaso naman sa akin kung tawagin n'ya akong babe. Tangap ko naman na ako ang baby ng grupo bukod kay Pauline kaya ayoko nalang palakihin ang bagay na iyon.
As usual ang tungkol sa nababalitang engagement nila Joaquin at Pauline ang topic sa hapag. Mom were super excited while dad nodding the whole time. Buo ang suporta nila kila Pauline at Joaquin. Gaya ng grupo na second to the motion kung dugtungan ang kwento.
“Eh, kayo ba ni Allyson, kailan n’yo balak na magpakasal?" tanong ni dad kay Kuya Harold.
Halos maibuga ni Harold ang kanin sa kaniyang bibig kung hindi ko lamang inabot dito ang baso ng juice.
"Ally, were you with Harold?" Macky unbelievable asked.
"Tsk’ slow nito! Hindi mangyayari 'yon noh!" Irap ko dito.
"Why not? I don’t see any problem with it kung kayo ni Harold ang magkakatuluyan." Patuloy ni dad.
Hinintay ko munang maka-ahon sa pagkabigla si Kuya bago tinuloy ang pagkain. Tiwala ako sa isasagot n'ya kila dad and mom.