"Sorry, may hinihintay ako." Umismid pa ako dito at ibinaling sa kalsada ang tanaw. Dahil wala kami sa city ay puro trycicle at jeep lang ang nakikita kong dumaraan. Wala rin akong ideya kung saan magandang kumain ngayon. Baka bumalik na lang ako opisina at sumabay kina Dahlia sa canteen para kumain. "Kung si Joaquin ang hinihintay mo. Hindi ka na sisiputin no'n." Kumunot ang noo ko dito. Paano naman n'ya nalaman na hindi na nga darating si Joaquin? Nasagot ang mga tanong ko nang makatanggap ng text mula kay Joaquin na nagsasabing baka hindi ako masundo dahil nagkaroon ng problema sa site. Tangka na niyang isasarado ang bintana ng kaniyang kotse nang pigilan ko. "Wait!" Kinagat ko ng mariin ang aking mga labi matapos ko iyon sabihin. Kung may pagpipilian lang ako ay hindi ako sasama