Chapter Fifty-eight Kusang huminto ang paa ko sa paghakbang. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng van ay dali-dali akong lumingon. Nang makita kong pausad na iyon ay muli kong tinakbo at kinalampag ang bintana. "T-iago, mag-usap tayo. Huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan. Parang awa mo na." Iyak ko sa lalaki. Wala akong pakialam kung mukha na akong desperada. Wala rin akong pakialam kung magmakaawa ako rito. Kaya kong gawain iyon. Kaya kong magmakaawa para sa lalaking mahal ko. "Tiago, parang awa mo na." Dahil nasa tabi ako ng van ay hindi iyon umusad. Sinubukan kong buksan ang pinto pero bigo ako. "Huwag ganito! Mahal na mahal kita, Tiago!" Nagmamakaawa pati ang tinig ko. Desperada? It's fine. Para sa lalaking mahal ko ay kaya kong gawin iyon. "Stop it, Luna! Hindi kita mahal!

