Chapter Fifty-nine "Hanggang kailan iiyak ang batang iyan? Kukutusan ko na iyan!" nakatagilid lang ako nang higa. Nahuli na namang umiiyak. Miss na miss ko na si Tiago. Habang lumilipas ang mga araw na hindi ko ito kasama ay pakiramdam ko'y palala nang palala ang lungkot ko. Ginamit lang ba talaga niya ako? Plano lang ba talaga niya iyon para sirain kami ng dad niya? "Naku! Mapapagod din iyan. Hayaan na lang muna natin. Ganyan talaga ang napapala ng mga mahilig bumangka sa dalawang ilog." Dinig kong ani ni Lola Teresita. "Wasak na wasak." "Ang alin?" ani ni Lola Felipa kay Lola Conching. "Ang puso, Felipa. Ano bang mawawasak d'yan? Puso lang naman." Bumangon na ako dahil kahit naman bulungan lang ang ginagawa nila ay naririnig ko pa rin sila. "Ayan, ang ingay ninyo kasi. Buman

