Chapter Sixty Tiago Parang isang oras na akong nakatitig sa dalawang birth certificate na hawak ko. Birth certificate ko iyon at birth certificate ni Luna Magdaline. Dalawang linggo na... pero hindi pa rin ako makausad. Hindi ko pa rin matanggap na sa gano'n na lang natapos ang lahat. Leisha Zorjan... hindi man nakalagay ang Madrinale sa birth certificate ko. Pero hindi maitatanggi na iisa talaga ang taong tinutukoy rito. Idagdag pa ang mga larawan ibinigay ni dad sa akin. Larawan ko kasama ang aking ina, larawan ni Luna kasama ang kanyang ina. Iisang mukha lang ang naroon. "Anak?" biglang pasok ng aking ama sa opisina ko. Ito ang araw na bababa na ako sa pwesto. Habang excited naman si Vice Governor Kativan para palitan ako. Nakausap na kasi kami nito, nagbilin lang ako. "Ha

