Chapter Sixty-one "Kompleto na ba ang mga vitamins mo, Luna?" paalis na kami. Kasama ko ang tatlong lola ko na magtutungo ng isla na pag-aari ni Uncle L.A at Tit Jas. Doon muna kami dahil safe raw kami roon. "Yes, daddy. Kompleto na po." "Lahat ba ng mga kailangan ninyo ay dala na ninyo?" "Opo. Pero kung pagdating sa Isla ay may kailanganin pa kami ay itatawag na lang namin." "Okay." Yumakap ito sa akin. "Ingat ka roon. Kapag hindi busy ay sasadya ako roon." Tumango ako't tumugon na rin ng yakap sa aking ama. "Kapag may mga cravings ka ay sabihin mo sa akin para magawaan natin ng paraan. Huwag mong tikisin ang sarili mo. Ibibigay dahil ang mga hanap mo." Mas maayos kami ngayon ng dad ko kaysa noong parte pa ng buhay nito si Mommy Mafe at iyong mga anak na hindi naman pala talagang

