Chapter Sixty-two Maingat kong hinahaplos ang kwintas na suot ko habang nakatanaw sa kalangitan. Nakaupo ako sa picnic mat na inilatag ko kaninang hapon. Ngayon ay gabi na. Ayaw kong mag-stay sa loob. Pakiramdam ko kasi'y nahihirapan akong huminga roon. Inabot na lang ng gabi ay wala pa rin akong balak na pumasok. "Apo?" narinig ko ang tinig ni Lola Teresita. Lumapit ito sa picnic mat at umupo na rin doon. "La?" ani ko. "Ang lungkot-lungkot mo naman, apo. Parang hindi ka naman ganyan kalungkot no'ng tinatakwil ka namin." Dahan-dahan akong humiga sa nakalatag na sapin. "Bulag po kasi ako no'ng sa inakala kong pag-ibig ko kay Dimas, Lola." "At ngayon iyang lungkot na nakikita ko sa 'yo ay dahil sa pag-ibig mo kay Tiago." "Miss na miss ko na po siya, Lola." Nagsimula na namang mamuo a

