Chapter Sixty-three Sinubukan ko ulit tawagan. Pero hindi talaga nito sinagot iyon. "Tangina mo, pagkakatiwalaan kita hanggat kaya ko. Pero kapag naputol ang pisi ng pasensya ko at kapag napagod na ako. Goodbye Governor Tiagogago ka talaga." Pikon na ani ko. Saka ko itinapat sa dibdib ang cellphone at mariing nagdasal. "Hihintayin kita, mahal ko! Pero huwag namang matagal. Mainipin ako." Pinunasan ko ang luha ko. Saka nagpasyang bumalik sa mansion. Tama na ang luha. Kakapit muna ako sa dalawang salitang natanggap ko rito. Dalawang salita, pero milyon-milyong pag-asa ang bumalot sa puso ko. -- TIAGO "Trust me." Hindi ko napigilan ang sarili ko na sagutin ang mensahe nito sa akin. Alam kong sobra-sobra ko na itong nasasaktan. Ito pa rin ako, naghihintay ng resulta ng DNA test namin ni Lu

