She's doomed. Iyan ang nasa isip ni Ivy habang nagre-reflect siya sa mga ginawa niya noong araw na iyon. Hindi niya alam kung bakit palagi na lang niyang nakikita si Eon ngayon. As in hindi lang dalawa kundi limang beses na yata niya itong nakikita at limang beses na rin siyang tumakbi rito. Nakakaloka lang at sobrang nakakahiya na dahil para siyang weirdo na kumakaripas na lang ng takbo sa tuwing napapansing nasa malapit si Eon.
Hindi niya naman kasi gets kung bakit parang wala naman itong trabaho at nagliliwaliw lang dito sa campus. Hindi talaga siya makapaniwala. Parang noong isang araw, nakita niya lang ang lalaki sa mga memorabilia niya noong sweet sixteen niya tapos nakita na niya ang lalaki kung saan-saan.
"Ughh!" Halos masabunutan na lang niya ang sarili. Pabagsak na isinubsob niya ang mukha sa kanyang malambot na unan at saka siya nagpagulong-gulong sa buong kama.
Ay ewan na lang talaga niya. Nasa kwarto niya siya ngayon at kauuwi niya lang galing school. Ito nga at iniisip niya ang mga nangyari kanina. Iyong dalawa niyang kaibigan ay weirdong-weirdo na nga sa kanya, e.
Kapag naiisip niya ang mga ginawa niya mula noong weekend ay ewan niya, gusto niya na lang talagang magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan. Hindi niya sure kung nakita siya ni Eon na halos mabaliw sa pag-iwas at sobrang pula ng mukha pero iyong mga tao sa paligid nito at paligid niya ay sure siyang nakita siya.
Nakakaloka pa at nag-o-overthink na siya ngayon. Paano pala kapag sinabi ng mga kaibigan nito ang kagagahan niya. Sa sobrang pag-iisip niya ay natulala na lang siya roon.
Nakadapa pa rin siya habang nakapangalumbaba at nakatitig sa kanyang headboard. Ngumuso siya at bumuntong-hininga lang. Kagat-kagat niya pa ang labi habang walang tigil na iniisip si Eonren.
Habang nasa ganoon siyang estado ay isang realisasyon ang nagpagimbal sa kanya. Nasapo niya pa ang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig pa rin sa headboard. Gumulong ulit siya at saka bumangon at nag-indian sit sa kama. Inabot niya ang kanyang phone sa headboard at saka kinalikot iyon.
Hindi niya alam pero tila may sariling utak ang kanyang kamay at kusa na lang itong nag-type ng pangalan sa search bar. The next thing she knew she was already searching Eonren in every social media sites.
Hindi siya naka-follow sa lalaki kaya wala talaga siyang update dito. Hindi niya kasi ugaling mag-follow ng mga crush niya noon at pakiramdam niya nalalaman ng mga ito ang pagkaka-crush niya sa kanila pag nag-follow siya. But that moment, hindi niya alam kung bakit feel niyang mag-follow at mag-add. Ilang saglit pa siyang nag-isip-isip kung itutuloy nga niya ang pag-follow at add sa lalaki. Kinakabahan siya nang sobra na para bang sasabak siya sa isang recitation kahit na hindi naman. Nasapo niya na lang tuloy ang ulo at sa huli ay f-in-ollow niya nga ito at in-add.
Impit pa siyang tumili roon bago muling ibinagsak ang likod pahiga sa kanyang kama. She was biting her lip while browsing his pictures. Muntik pa siyang mapatalon at muntik na rin niya mabitiwan ang phone niya sa mukha nang isang notification ang nag-pop up.
Eonren Legaspi accepted your friend request.
Nanlaki ang mga mata ni Ivy at pakiramdam niya buong katawan niya ang nag-init sa nakita.
's**t! s**t! s**t! Oh my gosh! Friends na kami! Friends na kami! Ahh!'
She screams internally. Kagat-kagat niya ang labi at mariin siyang nakapikit na para ng kiti-kiti sa sobrang kilig.
"Oh gosh, oh gosh!" bulong niya sa sarili. Huminga siya nang malalim para kalmahin ang kanyang sarili. Nang kumalma na siya ay tiningnan niya ulit ang cell phone. Wala sa sariling napangiti na lang siya ulit doon.
She started scrolling through Eon's profile again. Mas dumiin pa ang kagat niya sa labi habang tinitingnan ang mga pictures nito noong mga nakaraang buwan at nakaraang taon. The pictures that he had confirmed her hunch that he did go abroad. Kung nag-aral ito o nagliwaliw ay hindi niya rin alam. Basta iyong mga pictures nito ay may halo-halo. May mga nagti-trek ito at may ilan ding naka-formal wear naman ang lalaki.
Merong sa bar at meron ding mga sa beach. Ngumuso siya. In fairness naman sa lalaki, napaka-mysterious nito sa kanyang paningin pero sa nakikita niya ngayon ay mukhang outgoing naman ito. Well, playboy nga raw ito at laman ng mga parties kaya malamang na outgoing ang lalaki. Napailing na lang siya at mas nag-scroll pa. Wala masyadong posts in text ang lalaki. Mostly, shared posts ang mga iyon napakaraming tagged photos.
Na-curious din tuloy siya kung sinong mga nagta-tag sa lalaki. Naningkit pa ang kanyang mga mata habang iniisa-isa ang mga nandoon. Mostly mga amerikanong ka-age lang yata nito ang mga iyon at may mangilan-ngilan lang ding mga babae.
Ngumuso siya at saka sinuri isa-isa ang mga profile noong mga babae.
'Ang gi-gifted naman nila.' Napabusangot tuloy siya rito. 'Tsk. For sure ganto ang type ni Eon.'
Mas tumulis ang kanyang labi at wala sa sariling napatingin pa siya sa sarili. Nanlaki tuloy ang kanyang mga mata. Tinampal niya pa ang sarili at marahas na iniiling ang ulo.
'Oh my gosh, Ivy!'
Binitiwan niya ang cell phone at sinabunutan ulit ang kanyang sarili. Nakakaloka naman kasi. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan niya!
She groaned in frustration and let out a deep sigh. Umatras siya at sumandal sa may headboard. Ilang saglit pa ay bumalik na ulit siya sa pag-scroll hanggang sa naaliw na siya sa mga nakikita niya. May iilang witty tweets kasi ito tapos may mga magagandang shots din. Ang gwapo- gwapo pa ng loko sa mga pictures nito kaya mapapanganaga ka na lang talaga.
She was even tempted to save some of his pics pero syempre, di na niya ginawa kasi hindi siya komportableng mag-ganoon. Kinontento na lang niya ang sarili na nakatingin at nagso-scroll sa mga pictures nito sa social media. Marami na rin siyang nalaman sa buhay nito after nitong mag-graduate. Feeling niya tuloy may na-discover siyang bagong talent niya dahil sa mga na-discover niya. Nakagat niya na lang ang labi at napailing na lang siya.
'Gosh, papasa na yata akong detective?' Humagikhik siya sa sarili.
Nasa kalagitnaan siya ng pagba browse nang bigla na lang bumukas ang kanyang pinto. Mabilis na napabalikwas siya ng bangon at agad na napatingin sa bumukas na pinto.
"Ivy-"
"Kuya, oh my gosh!"
Parang may sariling utak ang kamay niya at otomatikong ni-off ang kanyang phone pagkakita sa kanyang kapatid. Ivo just gave her a weird look. Walang pasubali itong pumasok ng kanyang kwarto.
"Can't you knock? Privacy, hello?" sabi niya pa.
Kinunutan lang ulit siya nito ng noo. "I did knock. Walang sumasagot kaya pumasok na ako. Ano bang pinagkakaabalahan mo at hindi ka sumasagot, ha?" Striktong sabi pa nito sa kanya. Agad na nakagat niya naman ang labi habang nakatitig kang dito.
Ivo was surveying her with those weird looks. Napalunok pa siya dahil sa titig ng kanyang magaling na kapatid. Mas nag-panic ang kanyang kaloob-looban nang unti-unti itong lumapit sa kanya.
Napakurap-kurap pa siya rito at napaatras pa sa kama.
"Are you hiding something?" tanong pa nito. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya at mabilis pa sa alas kwatrong umiling dito.
"Yes! Of course, why not?!"
At gusto niyang batukan ang kanyang sarili. Paano ba naman kasi, napaka-defensive naman ng sagot niya. Napaka-observant pa naman ng kuya niya at panigurado sa inaasal niya alam na agad nitong may something. Kung hindi ba naman kasi shunga rin siya talaga.
's**t naman, Ivy…mahahalata ka niyan! Gosh, gosh, gosh.'
Mas lumapit pa si Ivo sa kanya na tila ba kinikilatis siya. Mas lalo niyang kinagat ang labi at painosenteng tiningnan ito.
"What is that?" nakakunot-noong tanong nito sa kanya.
"Hmm? Alin?"
"Tsk. That." Tinuro nito ang kanyang cell phone.
Napalunok na lang siya at napatitig doon.
"Uhh phone?" parang tangang sabi pa niya.
Umirap si Ivo sa kanya at umiling. Dinampot nito ang kanyang cell phone na mas ikinalaki ng kanyang mga mata.
"Kuya!"
"Ano yan, ha?" sabi pa nito.
"Wala! Ano bang meron diyan? Kuya nga!"
Abot-abot ang kanyang kaba nang kinalikot ng kuya niya ang cell phone. Well, pin encrypted naman iyon at may fingerprint pa kaya sure siyang hindi mabubuksan. Hindi naman naka-imprint doon ang fingerprint ng magaling niyang kuya.
Ngumuso lang siya habang hinihintay itong magkalikot doon. Sa huli ay ibinigay rin naman nito ulit sa kanya ang cell phone. Doon siya nakahinga nang maluwag at napailing na lang. Inirapan pa siya ulit ni Ivo.
"Ano ba kasing meron? Why are you here?" tanong niya pa rito.
Tiningnan siya nito nang maigi. "Nothing, just checking on you." Nginisihan siya nito kaya mas lalo siyang na-weirduhan dito.
"Huh? Seriously, Kuya? You're weird!" nakasimangot na sabi niya. Umirap lang ulit ang lalaki sa kanya.
"Tsk. Stop stalking Legaspi. Ikaw ang mas creepy sa panso-stalk mo," kaswal na sabi nito na ikinanlaki ng mga mata niya.
Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkakagulat nang bigla siya nitong iwan. Natanga tuloy siya roon at hindi na lang nagsalita pa. Nang makalabas ang kuya niya ay saka lang nag-sink in sa kanya ang sinabi nito.
"Oh my freaking gosh, Ivy?!"