Walang maririnig sa buong hapagkainan ng mga Cuanco kundi ang mga tunog ng kanilang mga kubyertos na ginagamit. Kagat-kagat ni Ivy ang kanyang labi habang nakatutok lang sa kanyang plato. It was a very awkward dinner for them. Ni hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang atmosphere o kung siya lang ang nakakaramdam noon dahil parang wala lang naman iyon sa mga magulang niya. As usual, nagkakamustahan naman ang mga ito at parang normal dinner lang talaga pero sila ng kanyang Kuya Ivo ay tahimik lang. Panaka-naka pang tumitingin si Ivo sa kanya habang kumakain sila.
Iba iyong titig ng magaling niyang kuya, parang may gustong ipahiwatig. Napanguso na lang tuloy siya rito. Kinunutan niya pa ito ng noo para tanungin kung anong gusto nitong sabihin, pero wala naman itong sinasabi at tahimik lang. Para silang nag-uusap sa mga tingin pero hindi naman sila nagkakaintindihan.
Ilang saglit pa ay ngumisi na ang magaling niyang kuya at tumikhim. “So, Ivy,” panimula nito.
“Ano?” inis na sabi niya agad. Medyo napataas pa ang kanyang boses nang sabihin iyon kaya napatingin din sa kanya ang mga magulang nila.
“What is it?” tanong na ng kanilang ama, nakakunot na ang noo sa kanila. Nagkatinginan pa sila ng kanyang kuya. Pinandilatan pa niya ito ng mga mata. Humagikhik ang magaling niyang kuya at saka tumitig sa kanya.
“Nothing,Dad. Baka si Ivy may gustong sabihin.” Mas ngumisi ito sa kanya.
Tiningnan tuloy ulit siya ng daddy niya at tinaasan ng kilay.
“What is it, Ivy?”
At siya na nga ang na-hotseat.
“Daddy, wala! Wala, no! Kuya is just making things up! Kainis.” Humalukipkip siya at sinamaan ito ng tingin. “Dad, nothing talaga! I swear!”
Nagpa-panic na siya sa loob-loob habang umiiling sa kanyang daddy. Mas lalong ngumisi si Ivo sa kanya.
“Hmm, may gusto ka bang sabihin, Ivy?” mahinahong tanong ng kanyang mommy na nakangiti na sa kanya.
Mas nakagat niya ang labi habang nakatingin sa kanyang mommy. Hindi niya alam pero feeling niya ay kahit hindi sabihin ng mommy niya ay alam nitp ang kanyang sekreto.
‘Anong sekreto naman iyon? Gosh, Ivy, nakakaloka ka!’
“She’s crushing on a boy, Mom, Dad,” diretsong sambit ng kuya niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatitig dito.
“Oh my gosh, Kuya!” eksaheradang sabi niya. Agad na sinamaan niya ito ng tingin. As if on cue, lumingon sa kanya ang kanyang ama at mariing tinitigan siya.
“What is it? Do you have a boyfriend, now? Bakit hindi ko alam ito?”
“Dad, no! Wala! Oh my gosh, Kuya! I have no one, no! Kuya!”
Humalakhak sa kanya ang magaling niyang kuya kaya mas lalo siyang nainis. Muntik niya pa tuloy itong hampasin ng tinidor. Mas tumawa lang ulit ang kanyang kuya.
“Ivo,” her father said in a warning tone. Sinamaan niya ulit ng tingin ang kanyang kapatid at nang makita niya ito ay nagpipigil na ng tawa ang lalaki. Sa inis niya at sinipa niya nga ito.
“Aw!” daing pa nito habang pinipigilan pa ang pagtawa. Umirap lang ulit siya rito.
“That’s enough.” Dumagundong ang malakas na boses ng kanyang ama sa buong dining area.
“Tama na, Ivo, huwag mo nang kulitin at asarin ang kapatid mo, okay?”sabi pa nito
Nakagat ni Ivy ang labi. Tumikhim naman si Ivo at nakinig na rin sa wakas. “Yeah, Mom, sorry.” Tumungo ito at nagsimula na ring kumain. Umirap lang ulit siya rito.
‘Ugh kainis!’
“Anak, okay lang naman na magkaa-crush ka, normal naman iyon,” mahinahong sabi pa ng ina niya.
“But I need to know the boy,” sabat ng daddy niya.
“I need to approve it, too,” dagdag naman ng kuya niya at tiningnan siya nang makahulugan.
Napaawang ang bibig ni Ivy. “I have no boyfriend nga and I’m not crushing on someone, no!” todo deny niya at saka umiwas ng tingin dahil pakiramdam niya ay mahuhuli siya nito dahil sa sobrang pamumula ng kanyang buong mukha. Gusto niya na lang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan at pang-aasar ng mga ito. Nakakaloka rin dahil pakiramdam niya ay panay ang titig ng mga ito sa kanya. Napairap ulit siya sa mga ito.
“Are you sure?” her dad said.
She groaned for a bit. “I am not crushing on someone, wala akong boy. Si kuya lang ang nang-iintriga sa akin!” Sobrang sama na ng tingin niya rito. Kitang-kita niya pa ang painosenteng mukha ni Ivo sa kanya.
She gritted her teeth and stared at him intensely. “Tsk.”
Nagkatinginan ang mga magulang niya tapos ay nagkailingan pa.
“Tama na iyan, okay? Tama na. Huwag nang mag-away. Ivo, hayaan mo na iyang si Ivy. Hindi rin naman niya pinapakialaman ang mga babae mo.” She saw how her mother eyed her brother. She silently celebrated because of that. Lihim na ngumisi siya rito. Ang kuya niya naman ang napunta sa hotseat.
Tumikhim pa ito sa kanya. “Come on, Mom. I have no girls, okay,” depensa pa nito.
Umirap lang siya at saka sumubo ng kanin. “Yeah, yeah, whatever, Kuya. Loyal ka nga pala sa only girl mo na hindi ka naman crush at friend lang ang tingin sa’yo since childhood.” Siya naman ang humalakhak dito. The tables have turned and it was her brother’s turn to stare at her badly.
Lihim na napatingin pa siya rito at ang sama-sama na talaga ng tingin ni Ivo sa kanya. Mas lalo lang siyang natawa at napailing. And their dinner just ended with them getting even with each other.
***
“Hi, Ivy!”
“Ivy! Hello!”
“Ivs! Later, ha!”
Isang tipid na ngiti at tango lang ang isinasagot ni Ivy sa bawat bumabati sa kanya sa campus. Kapapasok lang niya kasama sina Ella at Wella, Mataas ang vacant time nila ngayon kaya nagpapalaboy-laboy sila sa buong campus. May mga bumabati rin naman sa kanyang mga kaibigan pero mostly talaga ay siya ang binabati ng mga ito. Hindi na rin iyon nakakasorpresa dahil marami rin kasi siyang orgs na sinasalihan sa school at may mga common friends sila ng kuya niya. Iyong iba naman talaga ay hindi niya kilala at pinapansin lang naman siya dahil sa kanyang kuya. Ang galing lang di ba?
Kaya nga siya hindi masyadong nakikihalubilo sa kung sino mang bumabati kasi hindi niya naman sure kung iyong mga iyon talaga ay kilala talaga siya o kilala lang ang kuya niya at gusto lang magpalakad. Naiinis na lang siya sa ganoon, e.
“Grabe, naging times two famous ka yata, Ivs,” hagikhik na sabi ni Wella sa kanya.
Sumimangot lang siya sa babae.
“Shut up nga,” sabi niya pa. Mas humalakhak lang ito at umangkla sa kanyang braso. Pinapagitnaan siya ng dalawa habang binabagtas nila ang kahabaan ng field. Mapa-lalaki o babae man ay bumabati sa kanya at nginingitian lang niya ang mga ito. Itong dalawa niyang kaibigan niya naman ay sobrang supportive sa kanya at kulang na lang ipagtulakan siya sa mga bumabati lalo na kapag guwapo. Napailing na lang siya
“Anyway, may chika pala ako, sis,” sabi pa ni Ella sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ito. “What is it?”
Nagkibit-balikat si Ella sa kanya. “I honestly don’t know if confirmed, ha, pero sabi nila Eonren’s back here na raw as in sa campus. And bali-balita raw na a-attend siya ng annual fraternity party!” excited na sabi nito.
Saglit na napatigil siya sa paglalakad nang marinig iyon. Napakurap-kurap pa siya at tila nagsi-space out na naman siya roon.
“Gosh, ang exciting niyan! Sana ma-invite tayo? s**t!” impit na tili ng kanyang magaling na kaibigan at niyugyog pa siya. Umirap lang siya rito.
“Ano nga bang gagawin niya pa rito? Di ba he’s graduate na?” tanong pa ni Ella.
Wella shrugged while Ivy was just listening to the both of them. “May inaasikaso raw for the frat? And ang balita, training daw for his takeover sa company at saka sa frat. Mukhang siya na ang school chapter master natin.
Nanlaki ang mata ni Ivy. Bigla ay mas na-curious siya rito. She was about to ask something, too, when a group of students suddenly ran into them. Sobrang gulo ng mga ito to the point na nagkabanggaan na silang mga nandoon.
“Hey! Dahan-dahan naman!” bwisit na sabi niya nang naitulak na siya at nahiwalay ang dalawa sa kanya. Makailang mura na rin ang nabitiwan niya habang hinahawi ang mga ito. Mas lalo lang siyang nainis nang bigla siyang matumba dahil sa mga tulakan. Handa na sana siyang bumagsak sa lupa nang maramdaman niyang isang braso ang sumalo sa kanya.
Tila tumigil ang mundo ni Ivy habang tinitingnan ang lalaking nakatitig sa kanya at hawak siya sa bewang.
“Are you okay?”