Chapter 64

4447 Words

NAPANGITI nang seryoso si Saki nang maramdaman niya ang ginawa ng kanyang kalaban. Hindi nga siya makapaniwalang ang isang ito ay may taglay rin palang bilis at sa kutob niya ay dahil ito sa suot nitong sapatos. Mabilis nga silang naglayo sa isa’t isa upang magpakiramdaman, pagkatapos ng surpresang atakeng iyon mula kay Laxus. “Hindi ako makapaniwalang may nagmula sa Region 1 ang magkakaroon ng rare shoes… at ano pa? Posible rin kayang rare din ang kanyang suot?” tanong ni Saki sa sarili niya na nabigla na lang nang kumawala ang malakas na hangin sa paligid nang biglaan siyang lampasan ng player na may dilaw na buhok. Nakangising nakatayo na nga si Laxus sa likuran nito matapos ang mabilis na atakeng iyon gamit ang Curved s***h at makikita nga sa HP ng kanyang kalaban ang pagbawas ng 10%

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD