NABIGLA na lamang si Theos nang may bumaon na espada mula sa kanyang likod. Napakabilis din kasi ng pangyayari at hindi niya maipaliwanag kung ano ang nangyari sa kanya kanina. Napa-atras na lamang kasi siya nang hindi inaasahan nang dahil sa player na may dilaw na buhok na kanyang kalaban. Isang itim na guhit na nga lang ang biglang kumawala mula sa talim ng espadang nasa kanyang katawan, na naging dahilan upang siya ay maalarma sa pwedeng mangyari sa kanya kapag hindi pa siya naka-alis kaagad dito. Ginamitan siya ng kanyang kalaban ng isang sword skill at hindi maganda ang sitwasyon niya ngayon. Kumawala na nga lang ang malakas na hangin sa kanilang kinatatayuang dalawa at kasunod nga noon ay ang pagyanig ng paligid. Dahan-dahang umangat sa lupa ang mga paa ni Theos, subalit isang mabi